Bitcoin Forum
May 24, 2024, 10:55:21 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 [51] 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 ... 283 »
1001  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Make or Break on: July 17, 2023, 08:45:21 AM
Parang nakakatakot kapag masyadong greedy ang lahat pero sa price range na $40k eoy, okay lang naman yang price na yan. Mataas talaga expectation ng marami kapag paparating na ang halving tapos sabay sabay pa na ETF applications. Kaya sa sama samang event na mga yan, may potential umabot pre-halving.
Basta ba walang FUD sa market habang papalapit ang halving bagaman normal lang ang FUD ay ok na mag invest yung abot sa kaya mo lang masyadong malaking attraction ang papalapit na halving at yung nangyaring last halving ay isang halimbawa na lang kung saan talagang sumipa ang prsyo ng Bitcoin.
Pero alalahanin natin sa bawat halving ay iba iba ang scenario kaya need nating mag analyze kung gusto nating bumuhos ng malaki sa tingin ko malaking opportunity ang darating na halving.
Totoo yan, iba yung scenario last halving at ibang iba yung bull run nun. Sana ibang iba din ang bull run ngyon in a positive way at mas higitan pa yung nangyari.
Ito yung exciting part kaso yun nga lang kapag masyadong greedy ang lahat, parang ito yung nakakatakot na part pero wala naman tayong magagawa, sabay lang din sa agos ng market.
1002  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Make or Break on: July 16, 2023, 08:37:27 PM
Parang nakakatakot kapag masyadong greedy ang lahat pero sa price range na $40k eoy, okay lang naman yang price na yan. Mataas talaga expectation ng marami kapag paparating na ang halving tapos sabay sabay pa na ETF applications. Kaya sa sama samang event na mga yan, may potential umabot pre-halving.
1003  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 16, 2023, 06:49:30 PM
Kaya nga, kinumpara pa kay Wemby. Iba itong mga kababayan nating vloggers, masyado nilang ginoglorify si Kai at grabeng gatas na gatas ginagawa sa kanya.
Okay lang sana gumawa ng content kaso parang naging domino na, sobrang dami nilang gumagawa at pinagkakaperahan si Kai. Simula pa yan bago pa mapunta sa summer league saka sa Adelaide.

Ang nasa isip lang kasi nila ay maka-content kay Kai para kumita ng pera, ginagatasan kumbaga at hindi na nila iniisip kung nagbibigay ba sila ng pressure kay Kai or hindi.

Second outing na pala kanina para ni Kai at hindi maganda yong laro niya kanina, 0 points, 1 block, 1 assist in 8 minutes of play, parang bababaan ng coach yong playing time niya next game or baka hindi na siya pagpapalaruin.
At ang isang balita pa, parang uuwi na ata si Kai para sumali sa practice ng Gilas. Sana hindi naman din malala yung naging injury niya. Mukhang ganun nalang ang gagawin niya, kapag mag dominate siya kasama maglaro ang Gilas. Baka doon nalang siya makakuha ng offer.
Sayang, ang daming pagkakamali ng agent niya dati. Kung napunta siya sa Euro at inaccept ang offer dati nung medyo bata bata pa siya, baka mas nadevelop siya kasi iba ang laruan doon.
1004  Local / Pilipinas / Re: Internet Apocalypse, Handa kaba? on: July 15, 2023, 02:19:37 PM
Tama ka dyan, sa ngayon kasi ang mga estudyante gamit na gamit ang google search, kaya pag nawala ang internet malamang mabigyan buhay muli ang library sa bawat school hehe, lahat ng social media platform gaya ng Facebook, Youtube, instagram, tiktok mawawalan na ng silbi at lahat ng mga influencers mawawalan na ng mapagkakakitaan online bilang mga influencers.
Pati mga scammers online ay mawawala din for sure at mga online shopping.
Kung mawalan man, siguro baka saglit lang at baka mabalik ulit. Sa modern technology na meron na tayo ngayon, may disruption na puwedeng mangyari pero kung ang usapan talaga ay literal na apocalypse at as in, walang wala na. Sobrang balik lahat sa pamumuhay noong sinauna.
Kaso nga lang reality ay pa-abante tayo at kung maganap man ang mga ganitong bagay, siguro yung mga malalaking korporasyon ay may plano na kung paano nila maaayos yang ganyan.
1005  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ang Nangyari Ba Sa Lodicoin Ang Mag Didiscourage Sa Ating Mga Local Developer on: July 15, 2023, 12:31:48 PM
Kung sa SEC permit ang pag uusapan, sobrang dali lang niyan makakuha basta may pambayad sa mismong permit. Kahit hindi na mareview ng SEC ang business, bibigyan nila ng wala masyadong screening. Si Gaza naman, scammer talaga yan at walang mabuting gagawin yan, maentertain ka sa mga marites niyang content pero kapag related sa kaperahan, iwas na mga kababayan at huwag maengganyo sa mga pinagsasabi niyan kapag tungkol na sa mga investment.

Ang problema lang iyong SEC permit nilang inaaply ay hindi angkop doon sa negosyo na itatayo nila kaya kapag inimbistigahan illegal pa rin ang activity nila.  Iyon nga lang napakatamad ng mga nasa SEC to verify kung angkop ba ang inaaplyan nila sa tipo ng mga activity na gagawin ng nagaaply.  Wala rin sila post check kung tugma iyong permit sa operation kaya napakadaling malusutan ng SEC pagdating sa pagkuha ng mga panggap na permit.
Yung mismong process ng application, sobrang dali. Halos lahat, mapa-DTI at iba pang mga permits na kailangan ng isang business. Hindi mabusisi diyan sa mga ahensya na yan kaya kahit sino puwedeng makakuha. Mapa standard man at angkop o hindi yung inaapply nila, basta yung mismong process, maa-approve at ma-approve kahit sino sa mga scammer na yan ang mag apply basta wala sa watchlist at bagong mga pangalan.

About Gaza, ewan ko ba bakit ang dami pa ring naniniwala sa taong ito eh kitang kita naman na lahat halos ng ginalawan nito ay scam ang patutunguhan.  Marami lang talaga nabubulag dahil sa pagiging ganid kaya nawawala sa huwisyo at napapainvest kahit na obvious na scam ang pagiinvestan nila.
Siguro sa mga life quotes.
1006  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 15, 2023, 10:20:50 AM
Mentality kasi yan kabayan kung saan may mainit dun masarap makisawsaw kasi nga mapapansin talaga buti na lang si Kai kahit na papano marunong ung handler at sadyang mababang loob na bata unlike kung iba yan baka nagsalita na yan sa mga pinaggagawa nitong mga vloggers na to' pero syempre nakakatulong din sa paraan na lalong nakikilala si Kai at kung sakali mang hindi nya talaga maabot ang NBA baka mas gagamitin nya na lang utak nya at sa mga overseas na liga na sya maglalaro para sure ung deal na talagang maeenjoy na ung laro maeenjoy nya pa ung pera na makukuha nya.
Tignan mo may balita nanaman na mukhang di daw makakalaro si Kai sa susunod na match. Madami nanaman content niyan, kahit nga mismo na interview lang sa coach at ibang mga thoughts ng mga sports analyst na nababanggit si Kai, ginagawang content na din. Maganda na nakikilala si Kai, gusto lang din malaman kung ano ang iniisip ni Kai nakikita niya mga ganyang content.
1007  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 14, 2023, 11:46:36 PM
Dami ngang content naglabasan na. 6 points at iba pang stats para sa 13 minutes ata na playing time. Sobrang daming videos na highlights agad yung ginawa ni Kai. Tataas nanaman expectations ng mga fans sa kanya lalo na yung narinig lang na may pinoy sa NBA summer league.
Kita nga na parang naga-adjust si Kai at hindi pa yan ang best niya pero ok na rin at naging satisfying na rin na pinasok siya kahit papano ng coach niya. Mas maganda siguro kung sa ibang team siya nabigyan ng invite kaso Orlando lang nag invite sa kanya.

Makikisawsaw nga ko dito sa reply mo kasi yung ibang nakikita ko pa sa FB eh yung pagkukumpara pa sa kanya sa first game ni Wemby anak ng pating talaga tong mga so-called or self-proclaimed creator oh! pero okay na yun kahit papano naman eh nabigyan na nga ng pagkakataon at nakapag laro nga si Kai, maganda din yung experienced na yun kahit papano sa konting minuto eh naexperienced nya yung paglalaro kahit na summer league pa lang yun pero ung competition din kasi para dun sa mga nagnanasang ma draft eh talagang ilalabas na nung mga nabigyan ng oras ang lahat para mapansin sila.
Kaya nga, kinumpara pa kay Wemby. Iba itong mga kababayan nating vloggers, masyado nilang ginoglorify si Kai at grabeng gatas na gatas ginagawa sa kanya.
Okay lang sana gumawa ng content kaso parang naging domino na, sobrang dami nilang gumagawa at pinagkakaperahan si Kai. Simula pa yan bago pa mapunta sa summer league saka sa Adelaide.
1008  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ang Nangyari Ba Sa Lodicoin Ang Mag Didiscourage Sa Ating Mga Local Developer on: July 14, 2023, 05:15:49 PM
Ahh, meron palang tv series. Kala ko social media lang siya focus. Parang patapos na yung bull run niyan nung nagsilabasan yang mga projects na ganito. Aware naman kahit papano maraming kababayan natin na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng project na ito. Yun nga lang, nagtingin tingin ako at may mga kababayan tayong nabiktima at nag invest diyan. Kahit ano palang paalala sa mga tao at warning sa mga comment section nun, may mga naloko pa rin.

Ito ay lesson learned sa lahat ng mga local investors hindi komo may social media influencer at meron mga pinapakitang mga dokumento na galing daw sa SEC ay talon agad tayo pero yung binigay pala na permit ng SEC ay taliwas sa ginagawa nila, kaya sa tingin ko mukhang mahihirapan na magkaroon uli ng local token crowdfunding dahil itong Lodicoin at yung kay Xian Gaza ay mga masasamang example.

Kung mayroon man na darating na local na developer na mag lalaunch ng token it should be scrutinized closely by SEC at patigilin agad pag may mali sa kanilang mga ginagawa hindi yung tapos na yung crowdfunding tsaka nila sasabihin ang mga violation.
Kung sa SEC permit ang pag uusapan, sobrang dali lang niyan makakuha basta may pambayad sa mismong permit. Kahit hindi na mareview ng SEC ang business, bibigyan nila ng wala masyadong screening. Si Gaza naman, scammer talaga yan at walang mabuting gagawin yan, maentertain ka sa mga marites niyang content pero kapag related sa kaperahan, iwas na mga kababayan at huwag maengganyo sa mga pinagsasabi niyan kapag tungkol na sa mga investment.
1009  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 14, 2023, 02:05:07 PM
Mukhang may malaking maco-content nanaman ang mga vlogger kuno today dahil pinapasok na finally si Kai for a few minutes. Kaso nga lang hindi naging impressive yung pasok nya, dahil na nga rin siguro sa panget na systema ng Orlando kaya't it's not a big surprise kung bakit palaging tambak. Nalilito din si Kai kung anung gagawin nya kapag hawak nya ang bola kasi hindi gumagalaw ang opensa ng orlando, parang nag titinginan lang at parang hindi rin alam kung anong play ang gagawin LOL. One of the huge mistake nga lang kay Kai offensively ay natatakot syang tumira sa perimeter while inaatrasan sya ng depensa ng kalaban.
Defensively, Kai a good factor, pero hindi parin sapat kelangan talaga total package at magaling din talaga sana sa opensa. Though there are still a lot of room for improvement para sa bata, I have nothing but respect for Kai's hardwork para sa NBA journey nya.
Dami ngang content naglabasan na. 6 points at iba pang stats para sa 13 minutes ata na playing time. Sobrang daming videos na highlights agad yung ginawa ni Kai. Tataas nanaman expectations ng mga fans sa kanya lalo na yung narinig lang na may pinoy sa NBA summer league.
Kita nga na parang naga-adjust si Kai at hindi pa yan ang best niya pero ok na rin at naging satisfying na rin na pinasok siya kahit papano ng coach niya. Mas maganda siguro kung sa ibang team siya nabigyan ng invite kaso Orlando lang nag invite sa kanya.
1010  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 13, 2023, 05:40:37 PM
Baka yun nga lang ang dahilan pero tignan pa rin natin sa susunod na game nila laban sa Pistons. Ang sabi ng coach nila, baka mabigyan na ng playing time si Kai pero hindi na ako umaasa na magtatagal yun baka nga 1-2 minutes playing time ibigay niyan. Dahil ang pinaka priority talaga nila ay yung may kontrata na sa Orlando Magic at si Kai ay invitee lang naman.

Kahit ano atang ingay pa ang gawin ng mga fans ni Kai wala ng silbi sa coach ng magic, ang mentality kasi eh paglaruin ung mga nakapirma na sa kanila at doon mag focus, so malamang sa malamang sadyang palamuti lang ang ating kabayan dito, malabo na sa
katotohanan na may makapansin pa sa kanya sa ngayon.
Yan ang policy nila at posible rin namang racist ang coach nila. Oo nandun na tayo sa mga contracted players pero 0-3 na, at dapat may rotation naman at maiba kasi di naman effective yung 10 players nila. Sabi sabi lang, maglalaro na daw si Kai. Ewan natin at antayin nalang.

Quote
Tingin ko hiyang hiya dito si Kai. Maganda ang attitude ng bata kahit na bangko lang siya pero sana nga sa susunod na game nila dahil talo nanaman sila kanina ng 2 points lead laban sa Knicks.
Dapat kasi kahit saglit bigyan ung mga players ng playing time, kung medyo may utak tong coach na to baka para lang din sa kahit kaunting konsiderasyon eh bigyan yung lahat ng players ng minuto kahit nga segundo basta masabi man lang na nakapaglaro yung player nya.
May mga ibang DNP din na players ang Magic pero sabi sa balita baka bigyan si Kai. Alam kong nakakainis pero wala tayong magagawa, kung tayo inis na inis. Sigurado si Kai din pero nanatili pa rin siyang professional sa ganung sitwasyon.
1011  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ang Nangyari Ba Sa Lodicoin Ang Mag Didiscourage Sa Ating Mga Local Developer on: July 13, 2023, 01:43:26 PM
Celebrity ba si Rob Moya, di ba parang social media content creator lang siya? Regardless ng kung ano ang tamang term, nakita ko yang lodicoin na yan at tawang tawa lang ako nung inendorse niya yan. Halata naman kasi yang project na yan na walang pupuntahan.
Ang daming meme na lumabas nun noong inendorse yan ni Rob, sabi nga ng marami - RobPull.
Mayroon sya mga ginawang TV series kasama si Dingdong Dantes yung Robinhoo pinoy version, naging aware ako dyan sa Lodi coin pero di ko pinanasin kasi nga kasabayan din ito ng coin na ginawa ni Xian Gaza at pag local kasi may duda pa ako parang hindi pa handa na magkaroon tayo ng locally based token, bukod doon wala syang gaanong marketing sa international community.
At ganun nga ang nagyari sinisi pa ng developer ang mga pinoy sa pag dump ikaw ba naman makakita na ang liit ng liquidity at pababa ang presyo sympre i cucut mo ang losses mo, lahat ng investor ay nalugi dito kaya tama lang na habulin sila ng SEC.
Ahh, meron palang tv series. Kala ko social media lang siya focus. Parang patapos na yung bull run niyan nung nagsilabasan yang mga projects na ganito. Aware naman kahit papano maraming kababayan natin na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng project na ito. Yun nga lang, nagtingin tingin ako at may mga kababayan tayong nabiktima at nag invest diyan. Kahit ano palang paalala sa mga tao at warning sa mga comment section nun, may mga naloko pa rin.
1012  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: MIR4 NFT game? on: July 13, 2023, 09:07:50 AM
So hindi pa naman ba talaga patay ang game na ito? Sabi kasi nung isang classmate ko na nakasama ko dati sa paglaro nito ay nag merge daw ng server, what does it mean? Nabanggit nya rin na may free wayfarer ticket?
Nakikibalita lang ako rito. Salamat
Mas maganda doon nalang sa mga community mismo ng mir4. Madami sa mga facebook groups kasi dito sa thread na ito parang wala nang masyadong active at puro discussions nalang.
Yung group na mir4[Philippines] ang dami pa ring active at nagkakabentahan pa ng account.
1013  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 13, 2023, 06:48:59 AM
Yun nga, tambak naman sila dapat binigyan na ng chance yung ibang mga nakabangko lang. Chant na nga ng buong stadium na gusto si Sotto kaso nga lang baka ininvite lang talaga si Kai para sa fan base ng Orlando. Ang kaso nga lang kapag pupunta ka sa Facebook page nila, sikat na sila sa puro angry reacts. Nayare sila ng mga kababayan natin na doon binabato yung pagkadismaya sa ginagawa ng coach nila. Suporta pa rin kay Kai, anoman ang mangyari.
Ito din yung talagang nasa isip ko kung bakit nainvite si Kai eh, dahil nga siguro na alam ng Orlando na medyo mainit ang fan base ng mga pinoy kaya siguro talagang ginagamit nila yung kasikatan ni Kai sa bansa para makakuha ng views ang problema lang dahil din a ginawa ng coach dismayado ang marami, kung sana kahit man saglit binigyan ng pagkakataon ung bata.
Baka yun nga lang ang dahilan pero tignan pa rin natin sa susunod na game nila laban sa Pistons. Ang sabi ng coach nila, baka mabigyan na ng playing time si Kai pero hindi na ako umaasa na magtatagal yun baka nga 1-2 minutes playing time ibigay niyan. Dahil ang pinaka priority talaga nila ay yung may kontrata na sa Orlando Magic at si Kai ay invitee lang naman.

Nakakasira lang din kasi ng moral lalo kapag yung fans na mismo ang sumisigaw ng pangalan mo tapos hindi ka din naman paglalaruin.

Bawi na lang next time yun na lang ang masasabi ko at wala nman na magagawa yung galit nating mga fans.
Tingin ko hiyang hiya dito si Kai. Maganda ang attitude ng bata kahit na bangko lang siya pero sana nga sa susunod na game nila dahil talo nanaman sila kanina ng 2 points lead laban sa Knicks.
1014  Local / Pilipinas / Re: Stay Lowkey lang tayo on: July 12, 2023, 08:04:16 PM
People nowadays showcase their status and flexing expensive things they have. Maybe because its like a stress reliever na parang proud ka sa sarili mo dahil you made it. This risk will take effect if you showcase it too much na akala mo walang matang nagmamatyag sa iyo.
Hindi yan stress reliever, nasa ugali na talaga ng tao yan. Kasi karamihan naman sa atin ay galing sa hirap kaya nung medyo umangat angat na, flex ang tingin na solusyon na dapat ipakita sa lahat ang success nila. Wala naman problema sa ganun kaso madali lang naman madistinguish ang flexing at sharing.

Yes, better stay quiet na lang muna at i flex mo n lng within ur close family l (as in immediate family).
Tama, yung kayo kayo lang nakakaalam mas okay yung ganyan.
1015  Bitcoin / Bitcoin Discussion / Re: P2P will safe your life on: July 12, 2023, 04:50:29 PM
Just take in mind that is the main purpose of Bitcoin. A peer to peer transaction. There wasn't suppose to be central management. It just happened that there are people who needs extra help accessing it that why centralized exchange such as binance and bybit who take advantage of that opportunity. Well yes definitely, it will require more effort and time because it's from anonymous user to another anonymous user. The same reason why many people are getting scammed.
Bitcoin has opened a lot of opportunities and not just with the centralized exchanges but to everyone. Thus, there's the different way of trading through it. P2P, DEX, CEX and what more?
That's mostly all of it and corporations will always be there to take advantage of everything. But it is us that should consider other ways of doing transactions but in P2P, it needs more attention as people have became comfortable with cex transactions.
1016  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ang Nangyari Ba Sa Lodicoin Ang Mag Didiscourage Sa Ating Mga Local Developer on: July 12, 2023, 02:53:25 PM
Celebrity ba si Rob Moya, di ba parang social media content creator lang siya? Regardless ng kung ano ang tamang term, nakita ko yang lodicoin na yan at tawang tawa lang ako nung inendorse niya yan. Halata naman kasi yang project na yan na walang pupuntahan.
Ang daming meme na lumabas nun noong inendorse yan ni Rob, sabi nga ng marami - RobPull.
1017  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 12, 2023, 12:23:42 AM
2nd game ng Orlando Magic laban sa Indiana Pacers kanina, talo pa rin ang Orlando Magic at hindi ulit nabigyan ng playing time si Kai. Di ba usually kapag tambak naman na kayo, pinapapasok na yung mga reserved players para lang din makapaglaro dahil accepted na talo na kayo?
Sa sitwasyon kanina, kahit tambak na ang Magic ay nag stick lang ang coach nila sa 10 man rotation at ito ata yung mga contracted players. Wala, mukhang hanggang invited lang si Kai at hindi mabibigyan ng playing time kahit na sinisigaw na ng audience sa stadium na gusto nila makita maglaro si Kai.

And with that, tama ka, malamang walang game time na maibigay kay Kai Sotto.

Pero siguro charge to experienced na lang ulit to sa bata, basta sumubok na lang sya ng sumubok at malaman natin kung meron magbibigay na team na playing time sa kanya.

Kaasar naman tong Orlando kasi, tambak naman at ayaw pa ipasok yung mga players na hindi pa nakapag laro eh.
Yun nga, tambak naman sila dapat binigyan na ng chance yung ibang mga nakabangko lang. Chant na nga ng buong stadium na gusto si Sotto kaso nga lang baka ininvite lang talaga si Kai para sa fan base ng Orlando. Ang kaso nga lang kapag pupunta ka sa Facebook page nila, sikat na sila sa puro angry reacts. Nayare sila ng mga kababayan natin na doon binabato yung pagkadismaya sa ginagawa ng coach nila. Suporta pa rin kay Kai, anoman ang mangyari.
1018  Local / Pilipinas / Re: Isa na namang Bitcoin negative publicity on: July 11, 2023, 05:26:45 PM
It is because you can't trace someone who buys drugs with bitcoin. So sad to say nagagamit talaga bitcoin in blackmarket and drug dealings.
Although hindi naman siya talaga bago sa ganyang description at pagkakilanlan ng bitcoin. Dahil matagal ng nagaganap yan bago pa man mapunta sa mainstream ang bitcoin.

Possible din an ganyan na rin ginagawa sa Pilipinas lalo't laganap n rin drugs dito.
Posible talaga at hindi natin maitatanggi na madaming ganyang case sa bansa natin at lagi pang nababalita sa TV. Yang negative na character ni Bitcoin di na yan mawawala kahit na ilang bull run pa ang dumaan, kumbaga nakatatak na yan.
1019  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 11, 2023, 02:58:29 PM
2nd game ng Orlando Magic laban sa Indiana Pacers kanina, talo pa rin ang Orlando Magic at hindi ulit nabigyan ng playing time si Kai. Di ba usually kapag tambak naman na kayo, pinapapasok na yung mga reserved players para lang din makapaglaro dahil accepted na talo na kayo?
Sa sitwasyon kanina, kahit tambak na ang Magic ay nag stick lang ang coach nila sa 10 man rotation at ito ata yung mga contracted players. Wala, mukhang hanggang invited lang si Kai at hindi mabibigyan ng playing time kahit na sinisigaw na ng audience sa stadium na gusto nila makita maglaro si Kai.
1020  Local / Pilipinas / Re: Online Casino promoter hahabulin na ng CICC on: July 11, 2023, 12:59:50 PM
Influencers are used just to promote other businesses, but honestly i think those influencers ay minimal lang ang alam sa product or business na pinopromote nila, kumbaga for money sake lang yan. Not saying all of them but most of them. Be smart at choosing to whom you give your support khit idol mo sya, stil DYOR.
Dapat may pananagutan din sila. Yung SEC late na naglabas ng advisory tungkol sa PHLWIN na sobrang daming sinirang buhay kasi sa mga misleading advertisement nila tapos hindi para registered at hindi rin regulated. Totoo yan sinabing mo na minimal lang alam nila sa mga ine-endorse nila kasi sa pera lang at tf nakatingin kung magkano ibabayad sa kanila. Akala nila, ganun lang yung advertising at wala silang moral obligation sa mga fanbases nila.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 [51] 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 ... 283 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!