Bitcoin Forum
June 01, 2024, 09:22:48 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 [102] 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 141 142 143 144 145 146 147 148 149 150 151 152 ... 283 »
2021  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mag Ingat Sa Mga Facebook Scam on: May 18, 2019, 10:46:40 PM
I don't have any idea bakit pinapayagan ng facebook ung mga ganyan klaseng ads or is it automatic pag gumamit ng browser? O talagang greedy ang facebook at hinahayaan nila kahit ano ung ads na ilagay nila basta nagbabayad ang client. Mali kasi dapat pag ganyan mga klaseng ads ung hindi makakatulong at mauutakan lang mga tao dapat kahit mag babayad dapat ireject nila.
Hindi kasi ma-filter ni facebook yan katulad ng kay google meron at meron paring mga phishing site ang nakakapag advertise sa kanila. At kapag nag-search ng keyword o di kaya search content word nila, lalabas pa sila sa first result. Open kasi ang facebook kaya karamihan ng mga post ay pwede pero ngayon ginagawa naman nila lahat ng makakaya nila para malinis yung platform nila. Kapag may makita kayong mga ganyan, report niyo nalang din agad.
2022  Local / Pilipinas / Re: [Matuto][Info] Voting System using Blockchain? on: May 18, 2019, 10:17:19 PM
Tiwala ako na magiging okay ang election kapag blockchain ang gamit. May mga nabasa ako sa group ng mga IT security na hati rin yung opinion nila, may mga magagaling na nagsabi na papayag daw ba ang gobyerno pero ibig sabihin pabor sila. Meron ding nagsasabi na feasible daw pero hindi applicable, kaya doon palang parang naging hati narin opinion ko kahit na talagang tiwala ako na kaya ng blockchain technology na gawing maayos ang halalan natin.

May idadagdag pa ako, na kahit magiging maayos ang halalan natin kapag may blockchain na kasama, may mga hahadlang pa rin sa ganitong sistema. Ang kaunaunahang hahadlang dito ay ang gobyerno. May iilan na government official na papayag sa ganito ngunit ang mga nakakataas ay hindi pabor sapagkat karamihan sa mga politicians ngayon ay madudumi lumaban.
Yun nga yung problema na nakikita nung mga nabasa ko na na-realize ko may point sila doon. Kahit gaano kaganda ng sistema kung meron at merong mga tututol, mahihirapan i-implement yun. Kapag lalo na malaman nila na apektado yung pagmamanipula sa mga boto, hindi sila papayag kasi nga may mga kalokohan sila. Meron naman na tututol kasi hindi nila ma-gets yung sistema ng blockchain, kasi karamihan sa mga mambabatas natin hindi talaga masyadong oriented sa technology at ang alam lang ay mag-facebook.
2023  Local / Pamilihan / Re: Bitcoin different ways of encashment? on: May 18, 2019, 09:57:05 PM
so far coins ph pa lang ang nagagamit ko and subok ko na naman.  ETH lang naman ang winiwithdraw ko dito at lagi ko ginagamit yung LBC express kasi isang oras lang makukuha mo na agad.

(saka ginagamit ko rin kasi pang load dahil sa rebate kaya may balance ako lagi duon ^^)

alam mo maganda nga din itong coins. ph kasi sa pinas eto ang kadalasan ginagamit o karamihan dito ayan yung ginagamit nila for cash out pero may iba ka pa din naman choices eh like Bitpanda or Coinbase

Eh? Nasubukan mo na ba mag cashout from coinbase to peso? Pretty sure hindi pa kaya mo nabanggit yan. Konting search naman bago mag post para hindi naman masyadong halata na mema.
Nagtaka din ako coinbase tapos withdraw in peso, hindi ako gumagamit ng coinbase pero pagkakaalam ko hindi yun posible dito sa atin. Kapag i-vivisit natin yung site ng coinbase, peso yung currency niya kasi nga naka-base tayo dito sa Pinas. Pero hindi ibig sabihin nun na pwede na tayo mag cashout direkta coinbase. Pwede sana kung sinabi niya na coinbase muna tapos direkta sa coins.ph wallet mo, yung ganun pwede pa yun. Sa bitpanda naman, wala pa ako experience kaya wala ako masasabi.
2024  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 18, 2019, 09:36:36 PM
Magkano ba fees ng coins.ph pag nag convert ka ng bitcoin to php at php to bitcoin? O ilang percent difference ng buy at sell ng coins?
Malaki ang agwat ng buy at sell pag nag convert ka sa coins, sayang din yung mababawas kaya kung gusto mong makatipid i try mo itong tips ni GreatArkansas.

Sekretong Malupit sa Pag Convert to PHP sa Coins.ph!

Pwede talaga yan dahil exchanger site ng coins.ph yan. Ang pinagkaiba lang nyan sa coins.ph instant ang transaction sa coinspro magaantay ka na mafill yung buy o sell order mo.

Meron ako account dyan siguro dahil 2016 pa ko member ng coins.ph pero di ko na tanda kung nag register ako sa watch list nila.
May technique naman sa coins pro na kahit di mo na antayin ma fill yung order mo. Tignan mo lang kung ilan yung ibebenta mo sa latest buy order at yun yung price na gawin mo. Para gawin yun, punta ka lang sa order entry > limit > sell tapos ilagay mo nalang kung ilang at magkano yung gusto mong ibenta. Sa presyo, yung pinaka latest syempre yung ilalagay mo para automatic ma fill yung buy order niya, applicable ito para sa mga hindi maselan at hindi masyado mataas magbenta. Sakin ok yung ganito kasi mas mataas parin price niya sa coins.ph.
2025  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: How to find latest bounty campaigns here in bitcointalk [SIMPLE LANG] on: May 18, 2019, 09:14:11 PM
Sa ngayon talaga sobrang makahanap ng mga magagandang bounty or mga bagong bounties na pwede natin salihan kasi ngayon sobrang hirap talaga makahanap kahit na ang kilala pa natin ang bounty manager may time talaga na handle nila na bounty ay scam din. Pero sa akin lang konting tyaga nalang sa pag search sa mga potential bounties.
Yun naging basehan ko dati nung sumali ako bounty, may kilalang bounty manager at yung project din syempre dapat gawan mo ng research bago mo salihan. May mga pagkakataon talaga na kahit legit ang manager may mga loko lokong mga project din na paasa at hindi na yun kasalanan ng manager. Tyaga tyaga lang talaga sa paghanap ng bounty ngayon at kapag may mahanap na ok at nagbayad, parang stress reliever yun sa karamihan kasi nagbayad eh.
2026  Local / Pilipinas / Re: [Matuto][Info] Voting System using Blockchain? on: May 18, 2019, 08:53:01 PM
Tiwala ako na magiging okay ang election kapag blockchain ang gamit. May mga nabasa ako sa group ng mga IT security na hati rin yung opinion nila, may mga magagaling na nagsabi na papayag daw ba ang gobyerno pero ibig sabihin pabor sila. Meron ding nagsasabi na feasible daw pero hindi applicable, kaya doon palang parang naging hati narin opinion ko kahit na talagang tiwala ako na kaya ng blockchain technology na gawing maayos ang halalan natin.
2027  Local / Pilipinas / Re: Ano na ang mangyayari sa bitcoin? on: May 18, 2019, 08:31:20 PM
Hanggang sa ngayon ay di padin naman lubusang tumataas ang bitcoin ngunit malaki ang itinaas nito di tulad ng maliliit nitong pag galaw noong 2018. Ngayon ay gusto ko lang malaman kung ano na ang status ng hawak mong coin. Kung di mo kaagad ito ibinenta nung january at nag antay hanggang ngayon, maaaring nakabawas ka sa iyong pagkalugi o baka kumita kapa.
Baka hindi mo lang napansin na mula sa pagkalugmot ng $3k tumaas ang bitcoin nitong nakaraan lang hanggang $8400 tapos bumaba ulit nitong nakaraang araw lang. Mula $8400 > $6900 > $7400 > $7200. Yan yung naging sequence ng pagtaas baba ng bitcoin, kaya kung para sayo hindi lubusang tumaas ang bitcoin, tinitignan mo parin siguro yung all time high noong 2017. Tama ka na malaki ang tinaas niya pero sabi mo rin kasi di pa lubusang tumaas, para sa akin mataas na yun mula $3000 naging $7200 siya ngayon.
2028  Local / Pilipinas / Re: Lists Of Bitcoin Wallets on: May 18, 2019, 08:09:48 PM
I think bitcoin wallet has a very common to use here is Electrum and Coin.ph, para sa akin maganda silang dalawa gamitin and Electrum ay magagamit sa pag store ng savings ng Bitcoin mo and then the Coins.ph kung saan ka mag covert to cash and then cash out.
Pinaka advisable talaga si electrum para sa mga hindi pa bumibili ng hardware wallet. At sa ating mga pinoy, pinakasikat ang coins.ph kasi ito ang exchanger nating lahat na preferred. Bilang isa exchanger ok siya at maganda pero bilang isang storage, hindi siya maganda kasi nga exchange siya at hindi natin hawak yung private keys. Ako magta-transfer lang ako sa coins.ph kapag magbebenta ako o di kaya kapag nakabili ako gamit coins.ph, transfer agad sa ibang wallet.
2029  Local / Pilipinas / Re: Lists Of Bitcoin Wallets on: May 17, 2019, 11:59:07 PM
-snip-
Ang isa sa domain admin ng bitcoin.org ay si cobra. Merong account si cobra dito sa forum, tignan niyo nalang. Wag kayong mag alinlangan sa website na yan kasi mga reputable na tao yan hindi lang dito sa forum kundi sa buong bitcoin community. Katulad ng payo ni mjglqw, mag research parin tungkol sa mga suggested na mga wallets nila. Meron na akong experience sa ibang mga wallets na sina-suggest ng site na yan at hanggang ngayon ok na ok parin ako.
2030  Local / Others (Pilipinas) / Re: Sampung Paraan para maging Mabuting Membro ng Forum on: May 17, 2019, 11:28:37 PM
I believe kung susundin mo lang ang rules ng forum halos karamihan diyan nakalista ay magagawa mo ng maayos o masusunod.
Meron kasi pagkatapos magregister, hindi na inaalam kung ano yung mga mahahalagang puntos na dapat tandaan lalong lalo na yung mga rules ng forum.
Yes, yan pinaka mali ng mga bagong register sa forum na ito, kahit ako dati di ko binasa ung unofficial rules ng forum kaya minsan nag tataka ako bakit na dedelete ng mga moderator mga post ko minsan.
Mahalaga na basahin muna ang forum rules para alam mo ang do's and dont's. Merong mga post na off topic na yung sinasabi o di kaya hindi nila alam yung sinasabi nila, na kung babasahin nila sa forum rules malinaw na sinasabi na wag maging off topic. Meron na tayong translated version dito na nakapinned post at sana ma-recognize yan ng iba nating mga kabayan lalo na yung mga bago palang dito sa forum. Maging obedient lang lagi at wag maging rude sa mga conversation.
2031  Local / Others (Pilipinas) / Re: Gabay sa Paggawa ng Malupit at Ligtas na Password on: May 17, 2019, 11:07:29 PM
Ako wala naman problema doon kasi kahit may net basta pinapractice mo ang safe browsing tingin ko ok ka parin.
Yan dapat pinaka importante sa lahat, alam natin ang safe browsing, alam natin mga dapat at hindi dapat na ginagawa para maging safe tayo, halimbawa kahit anong strong o haba ng password natin tapos naka login pala tayo sa phishing website, useless na yun.
Meron kasi na random browsing lang ang ginagawa pati yung mga pop up ads, kiniclick na dapat hindi na pinapansin pa. Check lagi yung SSL security na nakalagay sa browser. Maging responsable lang tayong mga browser at magiging maliit ang chance na mafall tayo sa mga phishing site na yan. Sa pagda-download, iwas lang din sa mga unfamiliar at untrusted websites. Ako hindi na ako masyado nagda-download lalo na ng mga movie, medyo nag-iingat na din ngayon.
2032  Local / Pamilihan / Re: List of Cryptocurrency Exchange Philippines on: May 17, 2019, 10:46:14 PM
I want to try trading at https://exchange.coins.asia/trade , according to OP, it's already labeled as live, but they are not accepting new sign up.

What the real status here, is there any chance that we can sign up without joining the waiting list?

And if we join the waiting list, how long do we have to wait?
Live siya at marami na ring trader na active ngayon sa coins pro pero sa signs up mukhang naging limited sila. Hindi ko alam kung bakit nag close sila ng acceptance sa mga newly register kasi matagal na ata yung ganyang condition nila mula nung beta testing pa. Tapos na pala yung beta nila according sa image na na-ipost. Try niyo na din contact yung management mismo ng coins pro para ma-accept kayo parang ganyan ata ginagawa ng iba kaya naa-approve yung wait list nila.
2033  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 17, 2019, 10:25:38 PM
Bakit pag galing ba sa coins pro to coins.ph wala bang bayad pag na convert mo na galing sa bitcoin to peso tapos transfer sa coins.ph wala bang kaltas o fee na babayran?

Ang problema lang sayang na hindi ako na isali sa coins pro matagal na ko nasa watch list nila pero ngayon wala parin. May nag email sakin pero hindi ko naman nilagay yung kailangan nilang form kasi parang nag hahanap sila ng government ID eh ang meron lang ako is police clearance hindi naman pwede.
Walang fees yan kapag magtransfer ka galing coins.pro to coins.ph. Ilang beses ko na yan nagawa at inobserbahan ko kung may kaltas ba pero kahit piso wala. Try mo i-comply yung form mo baka ma-approve ka. Kasi sulit siya kapag gusto mo bumili o magbenta gamit ang coins.pro mas hamak na mas mataas (sell) at mababa(buy) price niya kapag kumpara mo sa coins.ph. Pwede mo na din direkta withdraw sa bank account mo kapag galing sa coins.pro.
2034  Local / Pilipinas / Re: Ultimate Lists Of Bitcoin Wallets on: May 17, 2019, 10:10:57 PM
Legit ba yang bitcoin.org? Sorry first time kong narinig.
Yes, legit yan hehe. Kapag bitcoiner ka dapat alam mo yang website na yan kabayan.  Wink
EDIT: Binisita ko yung website, mukhang mas kumpleto nga yung mga nakalista dun.
Walang halos pinagbago yung website, nadagdagan lang yung hardware wallets. Kaya yung mga pamilyar lang sa 2 na sikat na hardware wallets (ledger nano s and trezor), may panibago na tayong alam na suggested na hardware wallets pero mas mainam parin kung makakahanap tayo ng mga nakaexperience na gamitin yung dalawang bago.
2035  Local / Pilipinas / Re: Ano na ang mangyayari sa bitcoin? on: May 16, 2019, 11:50:32 PM
Maganda pa naman ang pinapakita ni Bitcoin ngsun. Hindi sya gsnon bumababa. Pataas sya mg pataas. Kung my mga Bitcoin p kayo benta nyo na yung half oara hindi magsisi sa huli. If tingin nyo na profit na kayo go and sell. Wag madyado umasa sa malaking return.
Mas tumaas pa nga, hindi tulad nung mga nakaraang buwan sobrang baba at halos walang galaw. Dapat nga tayong magpasalamat kasi sobrang bilis nating nalagpasan yung mga barrier ng mga price na ito:
- $5k
- $6k
- $7.5k
2036  Local / Pamilihan / Re: Blockchain Youtube Related Channels on: May 16, 2019, 11:28:42 PM
Ang madalas ko lang panoorin dyan si andreas, sa totoo lang hindi talaga ako mahilig ng manood ng mga video na related sa crypto sa youtube kasi nga karamihan sa kanila may kanya kanyang agenda. Dahil nagiging maganda na ang market ngayon, subukan ko ding tumambay sa ibang channel na yan na nasa listahan. Ano ba yung pinaka favorite niyo sa mga yan? yung iba kahit konti lang subscribers mukhang maganda naman yung content.
2037  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mungkahi para sa 2019 senatorial candidate on: May 16, 2019, 10:59:29 PM
Sa cryptocurrency mukhang wala pa pero sa blockchain mukhang merong mga nagmamasid masid na dyan sa progress niyan sa bansa natin. Saka tingin ko yung mga uupong senador na naka-base sa finance ay pwedeng I-open sa kanila ng BSP ang tungkol sa cryptocurrencies/bitcoin. May mga kanya kanya kasi silang sector na focus sa paggawa ng batas. Ganito tung pagkakaalam ko kung paano magtrabaho ang mga senador natin.
2038  Local / Others (Pilipinas) / Re: Gabay sa Paggawa ng Malupit at Ligtas na Password on: May 16, 2019, 10:36:36 PM
Pinaka safe is gumawa ng random password but dont forget to take a note. At bawat site dapat iba iba para walang pattern na mahanap mga hacker. Problema lang pag nawala ung note n my mga password mo lagot ka! Lahat mawawala sayo.
Hindi ka malalagot kung marunong ka gumawa ng back up. Tulad ng pagsusulat sa iba pang papel o di kaya plastic card board tapos itatabi mo lang ng pangmatagalan. Ganyan lang din naman ang solusyon dyan tapos kung meron ka pang flash drive, itabi mo lang mga records mo dun tapos wag mo nalang din I-connect sa computer na nakakonekta sa web. Ako wala naman problema doon kasi kahit may net basta pinapractice mo ang safe browsing tingin ko ok ka parin.
2039  Local / Pamilihan / Re: Bitcoin different ways of encashment? on: May 16, 2019, 10:12:59 PM
Maghanap ka ng exchanger mismo na tao para mas makatipid ka sa mga fees, yung mga legit lang ha kasi madaming scam dyan naglipana. Kung ayaw mo naman ng fees pwedeng mag egivecash ka kasi walang fee yan pero madaming issues yan. Ako ang ginagawa ko para makatipid ng fee, direct to bank deposit nalang kasi yan ang pinaka tipid sakin. Wala kang babayaran na fee kahit na hindi siya ganun kabilis kasi abot ng 1 day ang transfer di tulad ng ibang may fee, kapag pag may encash ka dapat advance mo lagi schedule mo.
2040  Local / Others (Pilipinas) / Re: Sampung Paraan para maging Mabuting Membro ng Forum on: May 13, 2019, 11:30:59 PM
I believe kung susundin mo lang ang rules ng forum halos karamihan diyan nakalista ay magagawa mo ng maayos o masusunod.
Meron kasi pagkatapos magregister, hindi na inaalam kung ano yung mga mahahalagang puntos na dapat tandaan lalong lalo na yung mga rules ng forum.
Ang iba na lamang ang iimprove mo katulad ng grammar sa pageenglish na kaya naman matutunan sa sariling pamamaraan lamang kaya dapat alam natin ang gagawin natin. Laging sumunod sa rules at tiyak akong wala kang magiging problema.
May mga suggestion na tungkol sa grammar tulad ng grammarly, libre pa.
Pages: « 1 ... 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 [102] 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 141 142 143 144 145 146 147 148 149 150 151 152 ... 283 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!