Bitcoin Forum
July 12, 2024, 06:04:01 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 [30] 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 ... 238 »
581  Local / Pilipinas / Re: [GABAY] BTS - Basic Trading Strategies on: June 04, 2020, 08:35:53 PM
@Nellayar grabe yung effort mo mag-explain ng moving average na kung paano pa ito i-plot. At this day in age na may mga charting softwares as well as websites tayo like tradingview na automatic mo ng pwedeng i-lagay yung SMAs and EMAs as indicator I think importante pa din talaga malaman ng mga newbies na kung ano nga ba talagang ang mga moving averages na ito at kung bakit nga sila ginagamit sa technical analysis.

Also mag-dadagdag lang ako para sa mga newbies kung "trading" ang usapan tandaan niyo na hindi lahat ng moving averages ay ginagamit sa trading dahil ang mga long-term na MAs is more effectively used in long term investments.  For trading dapat mag-focus ka sa combination of short-term na MAs.

For example ang ginagamit commonly sa day trading na MA is yung kombinasyon ng 5-8-13 Moving Averages. Yung kailangan mo lang ihintay dito is mag-align o cross yung mga MAs in order of 5-8-13 to see if magkakaroon ng breakout during that time. Here is an investopedia article explaining in detail kung paano gamiting ang 5-8-13 na moving averages. Also don't even think about using long-term MAs sa crypto trading kasi ito talaga ay nakalaan para sa long-term investments which hindi talaga accurate gamitin sa isang volatile market katulad ng crypto market, one example ng long-term MAs is yung tinatawag na Golden Cross which consist of 50-day MA at 200-day MA para makita yung reversal para sa potential na bull market.
582  Local / Pilipinas / Re: Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas? on: June 04, 2020, 05:36:38 PM
~snip

We could make that assumption, pero wag nating kakalimutan na pag may hawak ang isang tao na crypto it doesn't automatically mean na willing silang gastusin ito. A huge demographic of people that own cryptocurrencies are still mostly traders, hindi ung tipong kagaya ng karamihan saatin dito na heavy into Bitcoin fundamentals.

As for business implementation, at least for the smaller businesses, meron naman na tayong Coins.ph though hindi ito ung best solution. Yet, wala masyadong gumagamit due to the simple fact na mababa ang bilang ng gumagamit nito for brick-and-mortar retail payments.

Agreed, ngayon kasi karamihan ng may hawak ng crypto sa Pilipinas ngayon trinatrato ng mga hodlers nila as investment and gaya nga ng sinabi ko sa OP "Cash is Still King" dito sa Pilipinas kaya bibihira ka talaga makarinig o makakita ng Filipino na ginagastos yung crypto nila maliban nalang kung kinakailangan nila, syempre kahit sino ba namang tao na trinatrato ang Bitcoin as a form of investment hindi ka ba manghihinayang na una mo itong gagastusin just for convenience? Of course not hanggat may cash ka pa hindi mo pipilitin ang sarili mo na i-liquidate ang investments mo. What encouraging them to hold their crypto more is the fact na kaunti lang o non-existent ang mga businesses na tumatanggap ng crypto dito sa Pilipinas. Kung kumita na ang mga Filipino o medyo lumaki na ang value ng hinahawak nilang crypto at the same time madami na ding tumatanggap ng crypto payments sa bansa nakikita ko na in the future na ang crypto payments will be a common in the Philippinas assuming that what I said in the last paragraph of the OP will happen first.



Looking at the information above. I think na pipe dream palang talaga ang "Cashless Society", ni hindi pa nga tayo malapit maging "digitalized cash society". Totoong maraming gumagamit ng cryptocurrency dito sa Pilipinas, pero compared sa mga taong tiwala sa cash, walang-wala parin ang mga cryptocurrency users. Isa pa, sobrang bagal, limited, at mahal ng internet dito sa pilipinas na halos mauubos ang mga pera mo sa load palang kaya maraming tao parin ang tiwala sa fiat cash at takot sa digital.

I personally don't demand for crypto mass adoption dito sa Pilipinas at this point in time kasi alam ko magiging walang silbi naman ito kung most of us cash pa din ang gamit sa pagbayad kumbaga kung pinush ng gobyerno ngayon ang crypto payments eh lalangawin lang ito dahil na din sa kakulangan sa ka-alaman sa crypto as well na din na tayong mga crypto hodlers ay hindi basta basta gagastusin ang hawak nating crypto dahil na din trinatrato natin toh as investment. Let's wait for the Philippines to be modernized kahit papaano bago tayo mag-simula mag-expect ng mga digital payments sa mga businesses.
583  Local / Pilipinas / Re: Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas? on: June 03, 2020, 08:39:08 PM
Time will always be a question. During the pandemic I honestly think using decentralized transaction will help reduce physical contact but the real question is everyone capable of using decentralized transactions.
Marami parin ang mahihirap na sa tingin ko maiiwan kaya siguro hindi din mabilis ang promotion ng cryptocurrencies dito sa atin.

When the governments of countries promoted/encouraged "contactless payments" yung mga tinutukoy nila dito is yung mga already na sikat na katulad ng one-tap credit/debit cards at yung mga mobile phone wallets ng Samsung Pay, Google Pay, at Apple Pay na pwede mo lang i-scan yung QR code para makapag-bayad. So pag-sinabing contactless payments they aren't referring sa adoption ng cryptocurrencies at sa tingin ko wala pa tayong oras makapag-adjust para lang i-accomodate ito, I mean even normal contactless payments nga na-dedelay eh paano pa kaya if i-implement ang cryptocurrency?



Hindi man maging cashless society ang Buong pilipinas at least naman sana eh tayong mga crypto users ay magkaron ng advantage.
Sana sa bawat cryptonians na pinoy na nagbabalak mag negosyo ay i consider ang pagtanggap ng Bitcoin or even other cryptocurrencies para magkaron na tayo ng kalayaang gamitin ang ating Cryptos sa mga bagay online or even hindi online hindi katulad now na  lahat ng kakailanganin nating bayaran ay dapat muna tayo mag convert to peso bago maging successful .

It's pretty simple. Unfortunately, wala talagang masyadong tumatanggap ng cryptocurrencies, simply dahil wala masyadong balak magbayad gamit ito. Siguro ung sobrang pailan ilan lang, na tipong sayang ung effort nilang mag install ng crypto payments system. Kahit halos lahat pa ng stores e tumanggap ng crypto, kung wala namang gagamit nun para magbayad parang wala rin.

Patience. Gagamit ang mga tao ng bitcoin once kakailanganin nilang gamitin, or once marealize nila ung advantages and importance nito.

For me baliktad yung aking opinion para dito. If you think about it us crypto hodlers in the Philippines ay ang pinaka-malaki sa mundo with 17% na may access sa internet ay may hawak na crypto, this number can easily be considered as "demand" para sa mga businesses dahil alam nila meron silang market ng tao na humahawak ng cryptocurrencies ang problema lang dito is kung paano nila i-implement yung payment sa mga businesses nila and since medyo nag-lalack tayo sa technological advancement I doubt na kaya din ng mga businesses na i-implement ang crypto payments sa bansa. Kaya ang sinasabi ko na not unless na ang mga Pinoy mismo ay mag-simula magbayad bukod sa Philippine Peso at naging more digital yung mga payment nila I wouldn't see small and medium enterprises start accepting Bitcoin/Crypto payments.



Umpisa pa lang naman ay aware na tayo sa bagay na ito. Hindi pa kaya ng Pilipinas ang ganyang innovation. Third world country ang Pilipinas at alam nating marami ang naghihirap, ni pambili nga ng gadgets ay hindi na kaya ng iba, paano pa kaya ang pag adapt sa cashless society? Marami pang kakulangan ang bansa natin, ni internet connection nga ay hindi kayang ayusin. Ang mga nasa rural places, ang iba ay walang electricity, hindi sila makakaadapt sa ganito kung halos lahat ng resources ay wala sila. Sa totoo lang talaga ay malabong mangyari ito, ang ibang mayaman na bansa, ang iba ay umaasa parin sa paper money para sa kanilang everyday transaction. Kung tutuusin madalas tayong huli sa mga innovation at development dahil matagal bago makaadapt ang mga Pilipino dahil na din sa kakulangan.
Much better if you can provide stats and not just plain statements.

2018 data for smartphone penetration - Philippines ranks 25th out of the 50 countries on the list with 44.9% penetration.

You can get a Android OS smartphone for a little as 1,999₱ or you can get a free Android smartphone with Internet Access for Postpaid Plans worth 599₱ with no cashout. If you are up to date sa local scene natin when it comes to gadgets malalaman mo na pamura ng pamura ang mga cellphone sa bansa ultimo mga elementary students sa public school napapansin ko may mga hawak na cellphone naglalaro ng Mobile Legends o Nag-seselfie so I don't think may problema tayo when it comes to affordability ng mga cellphone. Based na din sa prinovide na datos ni Bttzed03 makikita mo madami sa atin mero ng may hawak na cellphone.


Sa ngayon, ang mga mayayaman at may kaya lamang ang may privilege para mag adapt at matuto ng mga electronic transactions. Kahit gustuhin natin na matutunan at maging advance ang ating bansa, sadyang hindi lang talaga kaya.
Even middle class can easily do electronic transactions. Mas mabilis na gumalaw ang mundo ng teknolohiya ngayon. Simula nung lumabas yung survey na ibinahagi sa OP, marami ng pagbabago mula noon. Just imagine na din kung ilan na ang nadagdag sa bilang ng mga may hawak na smartphone mula nung 2018. 

Bitcoin transactions specially on a custodial wallet is not as complicated as you think. If ang isang tao may experience na mag-bayad sa kanilang banking app o with Gcash or PayMaya I'm sure that they will be able to learn and adapt quickly paying Bitcoin from a custodial wallet. Actually baka nga mas mabilis matuto ang mga nasa middle class dahil ang target ng mga mobile payments ngayon like PayMaya o GCash is yung mga nasa class na ito with their quick money transfers as well na din yung ability na magbayad ng utility bill.

PayMaya serves the unbanked in the Philippines through the mobile app

PayMaya is enjoying some success in penetrating the mobile banking space by reaching out to the "unbanked" segment, which makes up two-thirds of the population.
584  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin at Banko on: June 03, 2020, 06:08:38 PM
Base sa knowledge ko about economics, we can boost our country economy sa pamamagitan ng pag store or pag save ng money natin sa mga banko(more money sa bank = more money to lend to business = business activity = economic growth, jobs etc)  Being said naisip ko lang po, if we do this process to store our money sa mga wallets natin we are not helping the growth of our economy.

Di natin ma-eexpect na makuha talaga ang mga advantages kaya ginawa ang bitcoin. Imposibleng decentralized lahat. Isa akong bitcoin enthusiast pero never ko naisip na magiging main currency ang bitcoin. More on investment talaga ang purposes nito. Pasensya sa mga bitcoin believers na umaasang papalitan nito ang fiat.

Kaya dyan sa point mo na yan, gumamit ka ng centralized wallet na reputable pero dapat may nakatabi ka rin sa non-custodial wallet mo na di kontrolado ng iba maliban sa iyo. Kumbaga banko pa rin but crypto ang gamit. In that way, nakakatulong ka pa rin sa ekonomiya since ang mga crypto exchanges ay nagbabayad ng tax at may mga empleyado ring pinapasahod.

Di ko nakikita talaga ang one nation one crypto. Mas maganda talaga nandyan lang ang fiat while at the same taking advantage of crypto.

This argument IMO is broken to begin with kasi hindi lang naman sa pag-store ng bangko ang nakakatulong sa ekonomiya ng bansa dahil may mga ibang bagay pa na mas makakatulong sa bansa natin kaysa sa pag-papahiram sa bangko ng pera natin. Kung ang mga ekonomista nga at businesses ay nag-eencourage ng mga investments kaysa ilagay mo ang pera mo sa isang bank savings account paano pa kaya ang Bitcoin as a form of investment? Kung gusto mo mas malaki kita mo kumpara sa 1% per annum na interest rate dapat tumingin ka ng mode of investment hindi savings gawa ng stocks, real estate, forex, o cryptocurrency. If tayong mga Filipino mayroong "Investor's Mindset" tiyak ko na mas malaki maitutulong natin sa Pilipinas kung lahat tayo yayaman sa investment natin kumpara sa lahat ng pera natin nakatago lang sa bangko na iilan-ilan lang ang bebenipisyo.
585  Local / Pilipinas / Re: Pagbagsak ng Chinese Yuan, nakakaangat sa presyo ng Bitcoin? on: June 02, 2020, 08:49:53 PM
~snip

Magandang obserbasyon nga yang nakita mo dahil nga sa maagang pagkabangon ng Tsina sa Covid crisis. Nagkaroon sila ng pagkakataong buksan agad ang industriya nila at malaki nga ang tsansang hindi magkakaroon ng kahit anong problems ang currency nila. Lalo na sa mga balita ngayon karamihan sa mga ginagamit na test kits sa Pilipinas (at malamang din sa ibang bansa) ay galing din sa Tsina. Feeling ko lang may ibang rason na magaangat sa bitcoin, which I can't wait to see how that one plays out.
We don't know the real number of cases in China and di naten alam kung bakit sila nakapagopen agad ng market or isa lang talaga itong illusion para sabihen sa mundo na mabilis silang makarecover, pero we badly needed their production honestly. 

Kung meron kang proof na "illusion" lamang itong ng gobyerno ns China I would happily accept na mali yung sinabi ko pero kung wala we can say na bumalik na din sa dati yung normal life sa China. Makikita mo naman sa balita lately na aside sa ongoing production ng mga factories sa bansa nila makikita mo na tuloy na din yung gulo sa Hong Kong as well sa South China Sea with their "9-dash Line" claim na lahat ng ito hindi nila ginawa nuong pag-usbong palang ng COVID-19 sa bansa nila, dun palang alam mo ng wala na silang problemang kinakaharap sa pandemic kaya nakakagawa na sila ng ganito. 

Hinde naman ganoon kabagsak ang yuan and alam naman natin ang China hinde hahayaan mangyari na maging center currency si bitcoin. Mahirap icompare ang Yuan kay Bitcoin and hinde naten masasabi na ang sitwasyon ngayon ang magtataas sa presyo ni bitcoin.

Kaya nga sa post ko sinabi ko na wag na natin masyadong palakihin yung news na ito dahil this one is more like a speculation rather than a real news. Dapat masanay na tayo sa mga news sources natin na halos lahat ng bagay na pwede nila i-connect sa movement ng Bitcoin ay palagi nilang gagawan ng balita even if wala namang strong evidence na nag-coconnect sa dalawang events dahil sa kada intriguing topic na magawa nila ay makakapag-generate ng traffic para sa website nila. Kaya dapat palaging wag basta basta maniwala sa mga news at dapat talagang mag-background research sa ating mga binabasa.
586  Local / Pilipinas / Re: Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas? on: June 02, 2020, 04:17:44 PM
Sa mga pangyayari sa kapaligiran dapat ay panahon na para maging Cashless Society ang Pilipinas subalit napipigil ito dahil sa kawalan ng kakayan ng gobyerno na iimplement ang mga kinakailangan para patakbuhin ito. 
Una, ang Pilipinas ay  medyo nahuhuli pagdating sa International Innovation Index na nasa pwestong 54th

Pangalawa, ang internet access ay medyo mahirap lalo na sa mga liblib na lugar.  Kahit nga sa metro manila ay may mga lugar na walang signal at kung mayroon man ay sadyang napakahina.  Kailangan pang paunlarin ang telecommunication technology at service sa ating bansa.  Nasa parteng kulelat tayo pagdating sa internet speed sa global ranking na 100th at pang 72nd pagdating sa mobile internet speed.

I wouldn't say na ang gobyerno lang ang may kasalanan dito, if titignan mo yung data na binigay ko makikita mo sa 80% na aware na tao sa ibang modes of payment 64% pa din dito ay preferred ang pag-gamit ng cash for their transactions. Kahit mismo ang Filipino ay gusto pa din magbayad gamit ang sarili nilang mga Philippine Pesos. With regards to internet access naman masasabi ko na we are getting there, If I would recall correctly 67% ng Filipino sa buong bansa ay may internet access na which is really good considering na more than half ng populasyon may access na sa internet kahit considered na developing country tayo. When the third telco comes into full operation maybe sa mga rural areas din ay ma-aaring magka-access na sa internet.


Hindi man maging cashless society ang Buong pilipinas at least naman sana eh tayong mga crypto users ay magkaron ng advantage.
Sana sa bawat cryptonians na pinoy na nagbabalak mag negosyo ay i consider ang pagtanggap ng Bitcoin or even other cryptocurrencies para magkaron na tayo ng kalayaang gamitin ang ating Cryptos sa mga bagay online or even hindi online hindi katulad now na  lahat ng kakailanganin nating bayaran ay dapat muna tayo mag convert to peso bago maging successful .

AFAIK wala naman tayong mga batas na nag-babawal sa atin sa pag-gamit o pag-tanggap ng cryptocurrencies. As a matter of fact nga I can consider our country to be a crypto-friendly country dahil na din sa CEZA project as well as how both BSP at SEC natin ay mabilis na nakapag-adjust nung biglang sumikat ang crypto sa bansa. But kung ang sinasabi mo is about naman more businesses accepting cryptocurrencies I believe na walang kapangyarihan ang gobyerno dito maliban nalang mag-introduce sila ng tax-exemption sa VAT or subsidy encouraging producers to accept crypto wala na silang magagawa sa sitwasyon ngayon. Para sakin mass adoption will start if may proper na batas na tayo sa crypto at crypto will be more popular sa bansa natin para ma-attract na din ang mga business owners to accept it as a mode of payment.
587  Local / Pilipinas / Re: Cash Less Society - Nararapat naba? on: June 01, 2020, 04:54:12 PM
@OP gumawa ako ng sarili kong thread para sa sagot ko sa tanong mo. Originally dapat i-rereply ko nalang dito sa post mo pero nakita ko masyado ng mahaba yung sagot ko and at the same time nakita ko na informative ito kaya ginawaan ko ng sariling thread.
588  Local / Pilipinas / Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas? on: June 01, 2020, 04:31:31 PM
Na-intriga ako nung nakita ko yung thread na ginawa ni crzy dito sa local board about kung pwede na daw ba maging cashless society ang Pilipinas dahil na din marami na ang "online sellers and buyers" sa Pilipinas. Bakit ako na-intriga? Kasi alam ko na yung sagot dito na hindi pa ready ang bansa natin i-give up ang cash transactions in favor of electronic ones kahit na may pandemic tayong kinakaharap being a cashless society isn't really a solution here either. Originally dapat gagawing kong post lang ito sa thread ni crzy but nakita ko masyado akong madaming puntos na gagawin at mahaba ito para maging isang post lang kaya ginawaan ko ito ng sariling thread.


1. 52.8 Million (77%) Adult Filipinos are Still Unbanked


As of the latest Financial Inclusion Survey na ginawang ng Bangko Sentral ng Pilipinas nuong 2017, 77% o 52.8 million na Filipino adults ay wala pa ding bank accounts. How can we be a cashless society if karamihan pa sa populasyon natin ay walang formal bank account? The success of being a cashless society ay talagang naka-depende ba talaga kung handa na ang sarili nating populasyon na maging digital yung mga payments natin, kung karamihan pa sa populasyon natin ang unbanked o yung mga taong wala man lang bank account will you say we are ready for a cashless system? I personally don't think so the learning curve for people who are unaware of digital payments will be very steep for them, hindi ako nandito para laitin sila pero hindi naman nila kasalanan kung bakit hindi pa sila ready sa ganitong sistema lalong lalo na kung biglaan at hindi necessary yung pag-babago

How about the Rural Areas of the Philippines?


Ang mga Filipino na nakatira sa mga rural regions ng Pilipinas na may bank account lang ay 5.1% ng populasyon.  Kung ang pinag-uusapan natin rural areas ng bansa ito ay ang tinitirahan ng mga Filipino na ang trabaho ay magsasaka, mangingisda, o magbubukid? Kung limang porsyento lang ng Filipino sa Rural regions ng Pilipinas ay may bank account how do you expect them to transition on a cashless society? Nakasama na ako sa madaming outreach programs sa mga rural areas ng Luzon if i-abot mo sakanila yung mga laptop, camera, o cellphone mo most of them will be clueless kung paano ito mapagana kahit sa teenager mo pa ito i-abot ay clueless pa din sila kung paano gamitin, yung mga cellphone nila ay hindi yung mga colored display pero similar sa Nokia 3210 na basic lang ang cellphone, if magiging cashless society tayo sila ang pinaka-mahihirapan mag-adjust.


2. "Cash is Still King" According to BSP Based on the Payment Methods Preferred by Filipinos

Cash is still king as 64% of Filipino adults whodid not use their accounts for payments cited that they still prefer cash in paying while 20% said that they are not aware that they could pay electronically using their account.

With the results of the research BSP was able to show kung bakit ang Philippine Peso pa din ang ginagamit ng mga Pinoy sa kanilang mga bayarin.

  • Purchases of Goods - 78% of Filipinos opt out in paying cash on the purchases of goods. 62% paid cash directly to merchants (Over-the-counter Payments) while 16% payed via Cash-on-delivery (COD)
  • Payments for Utility Bills - 69% of Filipinos still pays cash for their Utility Bills (Water, Electricity, Rentals). 57% paid cash directly to the utility companies while 12% paid cash using Bayad Centers
  • Payment of Loans - 79% of Filipinos paid in cash for their loan payments.


With the majority of the population still paying in cash dito niyo makikita na hindi pa ready ang Pilipinas sa suddent adoption ng mga cashless methods. Ang mahalagang i-note dito is 20% lang ng populasyon ang hindi nakaka-alam/aware na may mga alternative payments aside from OTC payments at COD but sa majority ng populasyon ay talagang preferred nila ang pag-bayad gamit ang pera. Even if may convenient way of paying sa bills, goods, at services makikita mo na ang mga Filipino ay talagang gustong gamitin ang pera nila sa pag-bayad, dahil nasa majority pa din ng Filipino ang nag-babayad sa cash sa tingin ko it is safe to say that we aren't ready to adopt cashless payments as the preferred choice sa Pilipinas.

cryzy pointed out na dumadami na ng mga "online sellers at buyer" natin dito sa Pilipinas well this data just show that even if sumisikat na ang online selling sa Pilipinas ang mga buyer pa din ay cash ang preferred nilang mode of payment. I personally prefer cash payments via COD kung ako ay may bibilihin sa Shopee or Lazada because based on my personal experience lahat ng online shops na may "pay first before deliver" na rule ay most likely scam or may defect yung item nila. Yung pinaka recent na experience ko dito is nung bumili ako ng disposable mask worth 1200₱ at napilitan ako magbayad through Dragonpay (BTC payment) after two days behind ng expected delivery ay dun na dumami nag-sabi na scammer yung seller at hindi dumating yung delivery nila buti nalang nakuha ko pa ulit yung bayad ko dahil yung bayad ay hawak pa rin ng E-commerce website na pinagbilihan ko.


3. Roughly a Third of the Population are Aware of What (Particular) E-Payments (PayMaya, GCash, Coins.ph) Are


Only a third of the population ay may alam kung ano talaga ang e-payments and ang nakakabahala sa numero na ito is yung mga na-una na E-payment services which is PayMaya at GCash, yung dalawang ito ay galing sa ating mga telco providers ang PayMaya ay galing sa Smart Communications at ang GCash ay galing sa Globe Telecommunication. Sa tingin ko yung numero ng E-payment awareness sa Pilipinas ay mas mababa pa kung hindi lang linakasan ng Globe at Smart yung marketing and promotion nila for GCash at PayMaya, repectively. Dahil kung hindi sa marketing at advertising nila sa E-payments nila makikita mo naman yung kompetisyon nila na kung saan nasa 2 to 6% lang ang aware sa E-payment service nila.

Keep in mind na yung numero na ito is E-payment "Awareness" lang hindi ito nag-rereflect sa tunay na dami ng users ng isang E-payment service sa Pilipinas, pero it safe to say na yung numero ng user is mas mababa kumpara sa aware ng serbisyo nila. Ano masasabi nito kung ready na ba talaga tayo sa cashless society? If kakaunti lang ang tao na aware sa e-payment services it only means na hindi pa tayo handa na maging cashless society, tandaan sa number 2 makikita niyo na cash payments pa din ang preferred ng mga Filipino this also excludes credit/debit card payments as well na kaunti lang din na gumagamit na Filipino sa kanilang mga payment transactions.



Not until we see a considerable improvement sa mga numero na ito I don't expect na merong need i-push ng gobyerno na maging cashless society tayo. Bukod sa ang cash ang pinapaboran sa bansa kasalukukuyan hindi rin tayo technologically inclined lalong lalo na sa mga rural areas ng bansa kaya mahihirapan tayo mag-adjust. Sa ngayon wala na tayong magagawa as an individual hindi natin sila pwedeng i-push sa isang payment method na kahit sila mismo ay ayaw gamitin, this kind of adoption will be heavily dependent towards the modernization of our country. If kaya ng sumabay ng mga Filipino sa ibang lugar in terms of being technologically literate sa tingin ko ito yung tamang panahon na handa na tayo maging cashless society.

589  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [DISCUSSION] Reddit Introduce New $Tokens on: May 31, 2020, 08:45:29 PM
Sa tingin ko it is important to point out that r/Cryptocurrency's $MOON, r/FortNiteBR's $BRICKS, as well as r/EthTrader’s $DONUT are commonly and officially called "Community Points" by Reddit. Kahit nag-eexist yung mga cryptocurrencies na ito as ERC-20 tokens sa Ethereum Blockchain their use as a utility token ay specifically designed sa subreddit ng specific community na iyon. Basically if you have earned MOON tokens sa r/Cryptocurrency hindi mo sya pwede gamitin sa r/FortNiteBr sa pag-palit ng mga badges, emojis, customized GIFs, at "special membership" ng subreddit na iyon. Basically if kung titignan mo sya as a "cryptocurrency" yung pwede mong i-buy and sell and hope mag-appreciate yung value niya in the future then think again, yung purpose lang ng cryptocurrency/community points na ito ay sobrang limited lang at spefically designed for each subreddit in terms of uses outside of that subreddit wala kang makikita so yung community points na ito will only be just valued within those subreddit page.


As for Reddit's "COINS" ang official na depinisyon na binigay dito ng Reddit is:

What are Coins?

Coins are our virtual good, and you can use them to award exceptional posts or comments, giving them Silver, Gold, or Platinum. We'll be adding cool new ways to spend your Coins in the future.

Unlike sa mga community points hindi sila Ethereum based token or kahit anong klaseng cryptocurrency na nag-eexist sa isang blockchain they just simply credits sa Reddit na may fiat equivalent value na pwede mong gamitin parang pera mo within Reddit to buy Platinum, Gold, Silver awards for you o i-reward mo sa ibang tao. Basically parang credits lang sya sa Steam Wallet mo na-pwede mong gamitin pambili ng games kung sufficient laman ng wallet mo. "COINS" are not like the type of cryptocurrency you are looking for, isa lamang silang credit para sa account mo.
590  Local / Pilipinas / Re: Pagbagsak ng Chinese Yuan, nakakaangat sa presyo ng Bitcoin? on: May 31, 2020, 04:37:24 PM
~snip

Kaya parang hindi makatotohanan na baba ang yuan dahil tataas ang BTC.  Usap-usapan sa forex forum na talagang madidisplace daw ang USD dahil Yuan ang papalit. Malakas ang Yuan kahit sa chinese exchanges malaki volume nila kaya sa tingin ko magandang stablecoin yung digital yuan instead of usdt.

Lahat pa ng produkto ay galing China kaya sa importation pa lang makakabawi agad ito kahit pa pababagsakin ng US sa pamamagitan ng sanctions.

Wala namang din kasiguraduhan na magiging stable sila in the long run ang masasabi ko lang is maaga silang nakabangon sa pandemic kaya madami na silang economical moves na nagawa. Marahil yung pag depreciate ng value ng Chinese Yuan ay temporary lamang pero hindi ko din masasabi na siguradong tataas ulit ito. Kung mababasa niyo yung news lately madaming bansa na ang gustong umalis sa China in terms of their domestic corporations having production in China, gusto na nilang umalis kasi aside sa pag-sisi sa China tungkol sa origin ng Coronavirus medyo panget din yung mga recent diplomatical moves nya. Just to give you a perspective ito yung balita sa Japan pushing their companies to move their production elsewhere outside of China. And with the ongoing pressure with the trade war as well as the COVID 19 sa United States at China mukhang pati ang mga US firms na din ay aalis sa China and move to other neighboring countries like Thailand. So kung natuluyan ngang umalis yung mga billion dollar companies na ito from US and Japan baka talagang ma-apektuhan yung ekonomiya ng China.

Magandang obserbasyon nga yang nakita mo dahil nga sa maagang pagkabangon ng Tsina sa Covid crisis. Nagkaroon sila ng pagkakataong buksan agad ang industriya nila at malaki nga ang tsansang hindi magkakaroon ng kahit anong problems ang currency nila. Lalo na sa mga balita ngayon karamihan sa mga ginagamit na test kits sa Pilipinas (at malamang din sa ibang bansa) ay galing din sa Tsina. Feeling ko lang may ibang rason na magaangat sa bitcoin, which I can't wait to see how that one plays out.

I myself don't rely on news pag dating sa aking desisyon sa pag-bili or pag-benta ng cryptocurrencies kasi kung sa news lang ako babase it will be considered as "speculation" dahil ikaw mismo ay mag-rerely lang sa news or rumor ng iba at walang klaseng analysis na involve sa buying or selling decision mo. Kung magbabasa ka ng balita sa tingin ko ang tamang gawin is after you read kailangan mong mag background research or maghanap ng explanation kung paano niya nasabi yun. Kung wala syang binigay na tamang explanation o yung nakakakumbinse katulad ng article sa OP at quote ko sa tingin ko dapat hindi mo na paniwalaan yung prediksyon na iyon sa article.
591  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin at Banko on: May 31, 2020, 01:21:27 PM
Base sa knowledge ko about economics, we can boost our country economy sa pamamagitan ng pag store or pag save ng money natin sa mga banko(more money sa bank = more money to lend to business = business activity = economic growth, jobs etc)  Being said naisip ko lang po, if we do this process to store our money sa mga wallets natin we are not helping the growth of our economy.

Yeah tama ka in a sense, if you think about it ito yung isa sa mga ways na kung saan nakakatulong yung sarili nating pera sa Pilipinas na even though maliit yung interest na kinikita natin yung pera natin sa bank savings natin ay pinapahiram sa ibang tao at entities para makapang start sila ng negosyo sa utang.

Being said naisip ko lang po, if we do this process to store our money sa mga wallets natin we are not helping the growth of our economy.

Not exactly. If you think about the process of storing cryptocurrencies. Yun part palang na yun can be considered as a form of investment kaya mo ini-ipon yun kasi you are expecting your crypto assets to appreciate in value. Yung pera na kikitain mo sa trading o yung kikitain mo sa investment ay may halaga kasi ikaw mismo as an individual ay yumayaman sa investment mo. While it may not be as direct as your bank using your money to help other businesses yung pera na kikitain mo makaktulong sa pag-circulate ng bagong pera na madadag sa Pilipinas. Investments of individuals ay nakaktulong din sa pag-lago ng ekonomiya ng bansa kahit sa tingin mo ikaw lang ang nakikinabang kasi sa totoo nyan kung madami tayong individuals ay kumikita sa crypto investments natin malaki din ang impact nun sa ekonomiya ng Pilipinas.
592  Local / Pilipinas / Re: Pagbagsak ng Chinese Yuan, nakakaangat sa presyo ng Bitcoin? on: May 30, 2020, 01:33:12 PM
Itong speculation/connection na ito is based heavily sa article na ito na ginawa nuong 2017 tungkol sa pagbagsak ng Chinese Yuan at iba pang fiat currencies na nag devalue kasabay ng pagtaas ng presyo ng Bitcoin, madami na din similar articles ang nagawa nung panahon na yan connecting the two events.

Burniske agrees that China has recently been the largest driver in the value of bitcoin. He points to the chart below, which shows that the rise in the value of bitcoin is closely associated with the drop in the value of China's currency, which is known as the renminbi or yuan.

Rabaglia says efforts to limit the exchange of currency in Venezuela, which is in the midst of an economic meltdown, and in India, which is undergoing a massive campaign to stamp out black money, have also caused bitcoin’s value to surge.

“The availability and the ease of transit of this currency makes it an attractive play for [people in] all these countries that are having these controls put on them,” Rabaglia says.

Burniske is quick to point out that bitcoin has a roughly $16 billion market capitalization, which is still small compared with the amount of money flowing out of China, for example.

Sa akin palagay alam naman natin lahat na tuwing may considerable price movement ang Bitcoin ay ang ating mga news sources ay makakagawa ng paraan para magkaroon ng connection whether external or internal kung bakit tumaas or bumaba yung presyo ng Bitcoin. Kahit wala naman talagang connection dahil nangyari ito at the same time sa price movement pipilitin nila na ito yung dahilan kung bakit nangyari yun from Bitcoin halving, Trump being the president, at yung common nung panahon ng 2016 to 2017 is yung crypto being illegal sa China (which is not true). Sa lahat ng connections na ginagawa nila on why Bitcoin's price move that way talagang mapapaniwala ka na yun yung dahilan but in fact hindi totoo yun o at least give a good explanation kung bakit connected yubg dalawang event.

Same situatuon lang sa news article na ito about Yuan devaluing. Kung binasa niyo yung article sa quote ko makikita niyo na ang author ay bumagsak magbigay ng solid explanation sa connection na ginawa niya, I even underlined the part na kahit sya ay hindi din sigurado na connected yung pag-bagsak ng Yuan sa pagtaas ng Bitcoin. Also sa tingin niyo ba talaga na babagsak yung ekonomiya ng China ngayon? Na sila yung unang nakabangon sa pandemic aside from Vietnam? If you have seen the news lately makikita mo na madami na silang ginagawang economical moves nakapag pautang na sila sa Italy, yung production ng mga rapid test kits sila nagsu-supply, as well na din halos lahat ng surgical masks at PPEs ay manufactured sakanila. Kaya sa aking opinyon yung pagbagsak ng Yuan ngayon is just a shift in the market at hindi ito long term even if so sa tingin ko walang direct na epekto ito sa Bitcoin.
593  Local / Others (Pilipinas) / Re: Scammer arestado anak pala ni General on: May 29, 2020, 09:17:15 PM
May possibility pa ba na maibalik nya yung lahat ng nakulimbat / nascam niyang pera pabalik sa mga may ari nito? I mean ang transparent nga ng transaction ng cryptocurrencies ngunit wala namang kasiguraduhan kung saan niya ito hinohold and kung mareretrieve paba ng awtoridad ang mga ito.

Sadly most cases na ganito ay hindi na naibabalik ang pera ng mga victim, or maibalik man ay it takes years minsan pa nga decade dahil need pa ng investigation at court order para sa pagbalik ng mga pera ng mga nascam.  At alam naman natin na sobrang tagal umusad ng mga kaso sa korte lalo na at anak pa ito ng heneral hopefully hindi konsintihin ito ng ama.

We do have laws with regards to criminals na hindi kayang makapagbayad ng kanyang mga ninakaw. Similar pagka naging insolvent ang isang tao kailangan syang gumawa ng forced liquidation ng kanyang ibang assets para makapagbayad sa mga utang nya which in this case is mga ninakaw niya, and being a son of a general sure naman ako na madamidami pa syang tinatagong yaman. Sa aking opinyon wala ng magiging bearing ang pagiging anak sya ng isang heneral sa kaso na ito sa 2 years nyang ginawa yung scam at sa dami ng tao na nai-scam niya sa tingin ko may mga ilan-ilan din tao dito na mas mabigat pa sakanya ang naka-banggaan niya, sa sobrang bigat ng kasong ito nakita ko dun sa link na binigay ni mk4 na meron ding Israeli lawyer na nag-rerepresent sa isang pinoy kaya sa tingin ko hindi madadala ni Tianchon ang pagiging anak sya ng heneral dito.
594  Local / Pilipinas / Re: Interesting Stats 2 Weeks After Bitcoin has Halved on: May 29, 2020, 06:30:48 PM
Interesting stats, though it's crazy to think na kahit na ganyan kababa na ang mga naitatala nating numero mula sa ating mga miners, patuloy pa rin sa pag-arangkada ang presyo ng bitcoin, at mukhang wala pa itong planong mag-settle down. Bumaba man tayo ng kaunti sa $8000 kamakailan lamang, pero nagtala agad tayo ng isang malaking rebound. Kahit na negatibo ang mga balita na umeere dahil sa mga ginagawang hakbang ng China kaugnay ang mga bitcoin miners, still hindi nito pinapababa ang trader' confidence sa bitcoin.

We'll see in the next few weeks kung mananatili bang mababa ang hashrate at ang difficulty o talagang mawawala nang tuluyan ang mga miners na kumawala pagkatapos ng halving.

Hindi kasi natin palaging pwedeng i-connect yung mga nangyayari sa network at sa presyo ng Bitcoin katulad ng mga halving event na palaging kino-connect na may direct effect daw sa price ng Bitcoin when in fact wala naman. May mga rare instances katulad ng nangyari nung March 26 in which bumagsak yung hash rate ng Bitcoin by as much as 45% which resulted into BTC's price dropping as well gawa na din siguro ng panic as well as yung total na epekto ng pagbagsak ng mining power sa Bitcoin ba talagang naka-apekto sa presyon ng Bitcoin pero aside from that yung mga ganitong adjustments na 25% lang ang pagbaba ng hash rate at the same time bumababa na din yung daily transactions ito ay hindi makaka-apekto sa presyo ng Bitcoin kasi wala namang direct relation ito sa magiging supply and demand ng Bitcoin.
595  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Discussion] Bakit nagkakaroon ng plagiarism at paano natin ito maiiwasan? on: May 29, 2020, 02:51:59 PM
Snip
Maraming salamat sa dagdag impormasyon na ito. Marami din akong nakikita na fake paraphrasing at text spinning style na mga comment even before sinusummarize lang nila yung mga ideas ng nauna o kung hindi kumukuha ng idea from internet at kaunti dagdag ng mga salita para maging pro.

Maaari ko bang maidagdag ito sa list sa taas?

Yes, yun talaga yung pakay ko kaya pinost ko yung different types ng intentional plagiarism na nangyayari sa forum na ito, baka kasi akala ng ibang miyembro dito may mga paraan para makalusot sa pangongopya ng gawa ng ibang tao when in fact yung mga types na ito mabilis pa rin mabisto ng mga DT members natin. It's important for them to know that walang klase ng plagiarism ang acceptable dito sa forum na ito para hindi na din nila subukan gawin basta kumpoya ka ng walang pa-aalam at ginawa mong parang sarili mo ito counted as plagiarism yun.


ito yung pinaka nagpapaconfuse or nagpapalito sa lahat eh. Even sa collegiate and academic papers sobrang sensitive ng Plagiarism, and fact tama ka na sobrang laki ng consequences na kahaharapin rito. But kapag dito naman sa forum, due to the anonymity and even the fact na anlaki talaga ng Internet, sobrang baba din ng chance or sobrang hirap din madetect ng kung ano ba talaga ang totoo behind plagiarized posts/articles, mostly dito sa forum.

And why nagpapaconfuse? Kasi may tinatawag tayong "Paraphrasing" in which binabago mo yung construction ng isang post in to a simpler and sa way na maiintindihan ng iba, and sa way na magagamit mo yung thought and idea ng iba sa gusto mong iparating based sa subject/intentions mo. PERO (oo malaking malaking pero), without citing it properly would be the act of Plagiarism.

Example, may isang existing article online and you've posted it in this forum in your own words without citing your idea's source.
How could we know it's plagiarized?
  • Sobrang hirap. Yet there's a loophole with it. Imagine, most articles and post/thread makers rito is may evidence's and proofs with regards to their subject (e.g Common topics such as "How to make safe wallets..., how to [some common ideas and topis]...., etc."). So for short, you can detect plagiarism if sobrang too good to be a user's own word ang ipopost nya sa forum and ni walang ginagamit na ibang sources.

Paraphrasing is allowed in the forum. Ganito lang kasimple yan kung ginagamit mo sarili mong ka-alaman at pagkakaintindi sa isang topic you should be confident na wala kang plagiarism na accusation na mapupunta sayo. Pero kung alam mo sa sarili mo na kumukuha ka ng ka-alaman at salita ng ibang post/topic kailangan mo i-cite ito whether or not nag paraphrasing ka o hindi kasi kahit "in your own words" yung post mo yung gist ng sinabi ng iba yung ginagamit mo especially kung wala kang dinagdag na bago o sarili mo talagang salita. Alam naman natin sa modern age na ito wala tayong magiging unique na sasabihin pero ang bottom line lang naman dito is if nag-sulat ka gamit ang sarili mong salita kahit may kaparehas o katunog ka kaya mong ma-defend ito kasi wala ka namang ginamit na ibang source and I doubt na may magiging kaparehas ka ng sinulat word for word kung wala ka namang pinag-basehan ng sinulat mo.


Also to give you a general sense kung ano ang allowable na paraphrasing sa forum kailangan mo ma check yung thread na ito. And tignan mo yung verdict ni theymos kay akosibatman tungkol sa paraphrasing na ginawa nya.
596  Local / Pilipinas / Re: Interesting Stats 2 Weeks After Bitcoin has Halved on: May 28, 2020, 04:15:04 PM
~
As expected bumaba yung network difficult sa pag-mine ng Bitcoin as a result na din sa pag-baba ng total hash rate ng Bitcoin mining. Yung pagbaba ng network difficulty nagsimula 9 days after halving (May 20) and even though naging taas baba yung total hash rate ng Bitcoin even after May 20 patuloy pa din ang pag-baba nya so I would expect na hindi pa ito yung masasabi natin final adjustment ng network difficulty considering na din na almost 26% ang nawalang total hash rate natin, ang 6% drop wouldn't be enough to compensate the lost in hash rate. Also ito na din ang pinakamababa na network difficulty ng Bitcoin since March 27 (13.913) na nuong panahon na yun 97.885 TH/s ang total hash rate ng Bitcoin Mining so ma-aaring bumaba pa din yung network diffculty ng Bitcoin sa mga susunod na araw.
Wala namang "final adjustment" of network difficulty di ba? Kada-2016 blocks o kada-dalawang linggo (rough estimate) ay maaring ma-adjust ang difficulty depende kung masyadong mabilis o kung masyadong mabagal ang galaw ng network. Kung nung May 20 yung huling adjustment, maghihintay ulit tayo sa mga unang araw ng Hunyo para malaman kung may pagbabago ulit.

It is understood na may direct relationship yung dalawa pero proportional ba ang drop sa hashrate at drop sa mining difficulty?

Tama walang final adjusment ng network difficulty since ito mismo ang nag-aadjust sa total hash rate na meron ng mining para sa Bitcoin, ito yung way para ma-compensate yung loss or gain ng hash rate. Pero yung rini-refer kong final adjustment dito is yung tamang adjustment niya para sa hash rate na nawala sa Bitcoin. If nabasa mo yung #2 sa post ko makikita mo na nung March 27 yung total hash rate natin nung araw na yun is 97.885 TH/s at ang network difficulty niya ay nasa 13.913t as compared naman yung hash rate natin nung May 26 na 93.312 TH/s pero ang network difficulty nya ay 15.138t na sobrang taas pa din kahit na mas mababa na yung hash rate natin kumpara nung March 27 kaya sinasabi ko na baka hindi pa itong 15.138t na network difficulty ang tamang adjustment para sa nawalang mining power ng Bitcoin.

~
Kahit na continue pa din ang pagbaba at pagiging volatile ng total hashrate natin tuloy pa din o masasabi kong stable pa din yung revenue na pumapasok para sa mga Bitcoin miners natin. I would expect this to change sa mga susunod na linggo kapag nakapag-adjust na ang network difficulty natin ng tuluyan, of course hindi na natin makikita na aabot sya nung katulad ng May 11 since nanga-halati nga yung block rewards pero sa tingin ko yung average dapat ay nasa sub-8 or sub-9 level dahil ang average na revenue nila before halving was around 17 million dollars but since we all know na patuloy pa din ang pag-taas ng total hash rate natin baka sandali lang ay umabot na ito ng nasa 10 million dollars or above.
Mas gugustuhin ko sana makita yung revenue nila in btc (mining reward + transaction fees). Tingin ko hindi reliable yung USD value na basis to determine kung stable pa revenue nila o hindi. Alam naman natin na market pa din ang nagdedecide ng fiat value ng BTC. This just shows na independent pa din ang price volatility sa hashrate/mining difficulty.

Unfornately ang meron lang na miner's revenue na chart sa Blockchain.com is in US dollars although may chart sila sa total transaction fees in btc. And also at the end of the day wheter naka USD or BTC pa yung chart hindi talaga natin alam kung ano yung tunay na earnings ng mga miners natin since hindi din naman natin alam kung kailan sila magbebenta ng BTC nila kaya naglagay ako ng notice na "assuming the Miner's Sell their BTC at current market value" kasi ang gusto ko lang naman ipakita is yung rought estimate kung paano naapektuhan ng halving yung magiging income nila.
597  Local / Pilipinas / Interesting Stats 2 Weeks After Bitcoin has Halved on: May 27, 2020, 08:58:38 PM
Itong post na ito will serve as a follow up sa orihinal kong post kung ano nangyari sa network ng Bitcoin after 1 day (24 hours) nung halving event nya. Sa totoo lang hindi na ako dapat gagawa nito pero nag-tuon ng pansin sakin yung reply ni ralle14 sa post ko na bumababa na nga nga yung average network fees ng transaction sa Bitcoin as well as yung pagbaba ng network difficulty nito na sa totoo lang hindi ko napansin gawa na din na wala pa akong Bitcoin transaction recently. Kaya binisita ko ulit yung mga recent changed after 2 weeks (15 days to exact) after natapos ang halving ni Bitcoin para malaman natin kung may mga nag-improve ba from miner's revenue, total hash rate hanggang sa daily volume ng Bitcoin transactions para malaman natin kung bakit bumaba yung network fees.


1. Bitcoin Mining's Total Hash Rate Dropped by 25.76% (-32.378 TH/s) 2 Weeks after Halving


Bitcoin Mining Total Hash Rate Key Statistics
Code:
May 11 - 125.69 TH/s
May 12 - 116.884 TH/s
May 17 - 81.659 TH/s (Lowest after Bitcoin Halving)
May 18 - 102.474 TH/s (Highest after Bitcoin Halving)
May 26 - 93.312 TH/s (Present Total Hash rate)

The chart speaks for itself, makikita naman natin na after ng dalawang linggo patuloy pa din ang pagbaba ng mining hash rate natin para sa network ng Bitcoin. Aside sa news na ang Sichuan province ng China ,na naglalaman ng 10% total hash rate ng Bitcoin, ay inutasan ng gobyerno nila na i-shutdown yung operations ng Bitcoin mining sa region nila wala ka ng makikitang news na masasabi mong anong dahilan bakita bumaba ng ganito yung hash rate ng Bitcoin mining. Siguro tuloy pa din ang pag-shutdown ng mga maliliit na operasyon o di kaya mga Mining Pools ay gumagawa ng selective temporary shutdown para ipa-baba yung mining difficulty ng Bitcoin either way makikita naman natinsa sideways movement ng chart na hindi tuloy tuloy o diretso ang pag-baba ng total hash rate ng mining sa Bitcoin.


2. Bitcoin's Network Difficulty Dropped by 6%


Bitcoin's Network Difficulty (in trillions) Key Statistics
Code:
March 27 - 13.913 (Lowest Network Difficulty in 2020)
May 11 - 16.105
May 20 - 15.214
May 26 - 15.138

As expected bumaba yung network difficult sa pag-mine ng Bitcoin as a result na din sa pag-baba ng total hash rate ng Bitcoin mining. Yung pagbaba ng network difficulty nagsimula 9 days after halving (May 20) and even though naging taas baba yung total hash rate ng Bitcoin even after May 20 patuloy pa din ang pag-baba nya so I would expect na hindi pa ito yung masasabi natin final adjustment ng network difficulty considering na din na almost 26% ang nawalang total hash rate natin, ang 6% drop wouldn't be enough to compensate the lost in hash rate. Also ito na din ang pinakamababa na network difficulty ng Bitcoin since March 27 (13.913) na nuong panahon na yun 97.885 TH/s ang total hash rate ng Bitcoin Mining so ma-aaring bumaba pa din yung network diffculty ng Bitcoin sa mga susunod na araw.

3. Miners' Revenue Remained Sideways after Halving


Estimated Revenue (in millions of USD) assuming the Miner's Sell their BTC at current market value
Code:
May 11 - 17.168$
May 12 - 8.951$
May 17 - 7.112$
May 19 - 9.801$ (Highest after Bitcoin has halved)
May 26 - 7.688$

Kahit na continue pa din ang pagbaba at pagiging volatile ng total hashrate natin tuloy pa din o masasabi kong stable pa din yung revenue na pumapasok para sa mga Bitcoin miners natin. I would expect this to change sa mga susunod na linggo kapag nakapag-adjust na ang network difficulty natin ng tuluyan, of course hindi na natin makikita na aabot sya nung katulad ng May 11 since nanga-halati nga yung block rewards pero sa tingin ko yung average dapat ay nasa sub-8 or sub-9 level dahil ang average na revenue nila before halving was around 17 million dollars but since we all know na patuloy pa din ang pag-taas ng total hash rate natin baka sandali lang ay umabot na ito ng nasa 10 million dollars or above.

4. Confirmed Transaction Per Day & Average Cost Per Transaction


Blockchain's Confirmed Transactions per Day (in thousands) Key Statistics
Code:
May 11 - 305.839
May 12 - 345.215 (Highest after Bitcoin has halved)
May 20 - 280.037 (Day when Bitcoin had the highest average network fees)
May 24 - 214.53 (Lowest after Bitcoin has halved)
May 26 - 295.782


Average Cost per Transaction Key Statistics
Code:
May 11 - 2.547$/transaction
May 12 - 2.789$/transaction
May 20 - 6.633$/transaction (Highest after Bitcoin has halved)
May 26 - 2.402$/transaction (Lowest after Bitcoin has halved)

Kung titignan niyo yung chart mukhang wala namang rason kung bakit bumaba yung network fees at lalo kang magiging clueless kung bakit during May 26 kahit tumaas yung transaction nuong araw na yun pero bumaba yung network fees dagdag mo pa yung pag-baba ng total hash rate natin sa mining. Well ang totoong dahilan kung bakit bumababa na yung fees natin ay dahil lumuluwag na yung volume ng transactions sa network ng Bitcoin as well na din yung average size ng mga transactions nito bukod dun kumokonti na din yung mga taong willing mag-bayad ng mas mataas na transaction fee para ma-prioritize yung transaction nila. Kung titignan niyo yung chart sa baba makikita niyo na patuloy na ang pag-baba ng network activity natin in terms of transactions per day. Pag patuloy pa din ang pagbaba ng network activity natin at tumaas ulit yung mining power ng Bitcoin expect niyo na na maging normal na ulit yung network fees natin sa mga Bitcoin Transactions natin.

598  Local / Pilipinas / Re: Bakit hindi tinatangkilik ng Pilipinas ang Cryptocurrency on: May 27, 2020, 04:14:56 PM
Medyo matagal na itong thread na ito pero sa tingin ko relevant pa din yung nagawang thread tungkol dito kasi ito ay lubos na sumasalungat sa iyong opinyon. Siguro walang tumatangkilik sa Bitcoin as means of paying pero as an investment tayo ang nangunguna sa mundo.

Ito yung pinost ko nung April isa syang data na nang-galing sa Hootsuite on their Q1 2020 report.

Ayon sa Hootsuite, a social media management platform, known for their research on things around the internet ang Pilipinas ay na-uuna sa mundo sa sa pag-aari ng cryptocurrency, leading the world by as much as 17% of it's internet users owning cryptocurrency, habang ang kasunod nito ay ang Brazil na nasa 13% ng internet users nila ay nagmamay-ari ng cryptocurrency. Ang worldwide average naman ay nasa 7% lang which is 10% lower compared to ours. Naglagay na din ako ng additional comments at opinyon ko kasi this is really good news para sa bansa natin.


Makikita mo na mga Filipino ang nangunguna sa mundo sa pagmamay-ari ng cryptocurrency, natalo pa natin ang Japan, Korea, at USA sa report. Ano ibig sabihin nito na kahit malaking poryento ng populasyon natin meron cryptocurrency pero hindi laganap yung tumatanggap nito? Ibig sabihin lang nito na mas-inclined ang Filipino sa pag-gamit nito as an investment kumpara sa gawing pera ito, isa pa wala naman masyadong pag-gagamitan ng Bitcoin at iba pa cryptocurrency kaya mas pinipili nilang hawakan ito kaysa gastusin. Sa aking opinyon maganda yung posisyon natin ng mga crypto hodlers na kahit wala pang masyadong gamit ang crypto bukod sa investment ay madami na tayo kasi kung papalarin baka mas mapa-aga at lumaki pa ang supporta ng gobyerno natin sa hinaharap. Meron na tayong CEZA na dinidevelop ang Crypto Valley of Asia at may mga senador na din tayong gumagawa ng bill para sa una nating batas related sa cryptocurrency, magiging malapit na yung araw na may mga businesses na din na tatanggap ng crypto na parang credit/debit card lang sila.
599  Local / Others (Pilipinas) / Re: Blockchain Technology "AMA" on: May 26, 2020, 08:02:47 PM
Commonly, I have seen people using bitcoin tx accelerator called:

https://www.viabtc.com/tools/txaccelerator

The downside of using this is that it gets easily full after a few minutes kasi 100 lang yung ina-accept ng pool every hour (e.g., 12:00-12:03) to be precise. This services only offers to accelerate your tx to be included in the next block they are currently mining, so swertehan din talaga.

As per the RBF or Replace-by-fee, only a handful of bitcoin client I think supports this feature and it is Electrum to be specific. I tried it personally though using testnet, the RBF function really works if your transaction is stucked in the bitcoin network due to low tx fee. As per my experience, RBF can only be used if the transaction is still unconfirmed, meaning it is still not added into the next block, only by then RBF can re-broadcast the tx with a higher tx fee (sat/byte) para maisama na siya sa next block.

CFFP, medyo wala pang idea. And I think this is similar to RBF eh.

Merong ginawang guide si Zepher on accelerating your transaction for free, most of the sites na binigay nya ay gumagana pa din pero recently nung gagawin ko sana ay hindi na gumagana yung paraan niya para makuha yung hex format ng isang transaction, ito kasi yung kailangan mo para ma broadcast ulit yung transaction dahil lahat ng Bitcoin accelerators ay kailangan yung hex format ng transaction.


Dati ito kailangan itype mo sa dulo ng url ng tx-id mo para ma re-direct ka sa hex format nga tx id mo
Code:
?format=hex

Pero since nag-bago na yung Blockchain.info at naging Blockchain.com parang nag-bago din yung format nila para makuha yung hex format ng isang tx id. Now if ilagay mo yung "?format=hex" sa dulo ng URL ng tx id mo ay either ma reredirect ka sa same page ulit or bibigay ka ng "Oops! We can't seem to find the page you're looking for". I'll keep you updated kung makakita ako ng ibang paraan para makuha yung hex format since ito lang naman kailangan mo para mag-accelerate ng mga transactions ng hindi nag-babayad.
600  Local / Pilipinas / Re: Interesting Stats 24 Hours after Bitcoin has Halved on: May 25, 2020, 07:42:23 PM
Nagbabalak sana akong bumalik sa pag mimina ngayung wala na akong ibang  choice maliban  na lamang dito, no work no pay kasi and ang  hirap talagang umaasa sa gobyerno sa ayuda. Inaantay ko na lang ang iba pang gamit pang mina at try ko ulit since mababa lang naman ang koryenteng babayaran ko, halos zero nga kaya isususgal ko na sa mining ang konti ko pang savings. Sa ngayun naghahanap ako sa mga legit sellers na mag shuhutdonw ng kanilang rigs dahil sa halving, tityempohan ko na lang na bagsak presyo sila para mabawa agad ang ROI.

If titignan mo yung mga posts dito sa thread na ito makikita mo pinag-usapan na namin yung profitability ng Bitcoin mining para sa mga small players, ever since nangyari yung second halving which is nung 2016 pa nakita na ng mga miners na may small operations na hindi na ideal para ipag-patuloy yung kanilang mga operasyon keep in mind ito yung mga tao na nag-papatakbo ng mga GPU as miners as well as mga naka ASIC miners na mga nasa 10 or below yung kanilang mga rigs, hindi na nila nakita na kumikita sila ever since nangyari yung second halving paano pa kaya na 6.25 BTC nalang ang block rewards para sa mga miners natin. Sobrang laki ng kompetisyon para dun ang mga makakalaban mo ay mga big mining pools katulad ng Poolin, F2Pool, at Antpool sadyang as a single person hindi ka talaga kikita sa Bitcoin mining ngayon.

To give you a perspective gumamit ako ng calculator para makita mo kung magkano yung ilulugi mo sa mining.

Code:
Mining Rig : Bitmain Antminer S17+ 
Hashrate: 73 TH/s
kWH Charge: 10₱/kWH (Assuming your monthly bill is 9,964₱)
Kilowatt per hour charge is based on the latest rate of Meralco


Kung titignan mo yung daily running operations mo sa mining rig makikita mo na gagastos ka ng 363₱ at wala kang kikitain sa mamimina mong BTC, sa kabuuan nasa 6974₱ ang magiging luge mo sa isang buwan. Not unless if yung bahay mo gumagamit ng renewable energy wala ka talagang kikitain sa magiging balak mong mining operations, also electricity cost palang ito wala pang mga unforeseen cost para sa mga maintenance o breakage ng mining rig. Mas mabuti pang i-gastos mo nalang sa iba yung capital mo dahil wala kang kikitain dito.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 [30] 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 ... 238 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!