Bitcoin Forum
May 24, 2024, 05:52:39 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 [60] 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 ... 283 »
1181  Local / Pilipinas / Re: [Discussion] Pagbili ng Bitcoin Physically/IRL P2P on: May 23, 2023, 11:04:19 PM
Kung mababang halaga lang siguro, puwede kong subukan na personal meetup at sa P2P market nalang ako bibili ng Bitcoin. Pero kapag malakihang transactions, iiwas ako sa P2P at meetups. Kapag ganyan kasi siyempre paranoid din ako kapag sa mismong transaction na at madami dami na akong balitang nabasa na hindi naging maganda ang kinalabasaan ng mga meetup na transactions.
Agree ako dito kasi mahirap na magtiwala lalo na pag malaking pera na ang usapan lalo na kung hindi mo pa kilala. Hindi mo alam baka mga sindikato na katransact mo tapos binabantayan na pala kayo ng mga pulis at baka madamay ka pa. Pag maliit na pera, siguro pwede pa subukan pero I doubt na madalas ko sya gagawin. Maliban nalang kung sa kakilala ako makikipag P2P or kakilala ng kakilala ko na alam kong pwede pagkatiwalaan.
May kondisyon pa rin kahit na maliit na halaga, ikaw mag set ng meet up at mas maganda sa mas mataong lugar. Meron akong kakilala dati pero sa Axie yun at sa mga police stations sila nagde-deal, sa harap mismo nun para iwas scam din kung magkataon. Mas madaling makipag trade sa mga kakilala pero hindi mo pa rin masasabi kung may nagbago na sa kanila kaya todo ingat pa rin dapat.

About naman sa 60% tax, medyo mapapaisip ka pa rin. Pabor sana ang p2p kung ganito kalaki ang magiging tax pero dapat maging maingat at pipiliin pa rin kung kanino makikipag tax kasi in case na ganito talaga ang mangyayari, madaming maglalabasan na mga scammer o mga di katiwa-tiwalang tao na papakinabangan yung tax rate dahil malamang dadami rin ang makikipag P2P para makaiwas sa tax.
Masiyadong mataas yan, mas higit pa yan sa mga businesses at pati sa mga salaried men.
1182  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 23, 2023, 09:18:38 PM
Agree kabayan, mukhang bakasyon na Lakers nito dahil wala pa namang team sa NBA ang nakakaahon sa 0-3 deficit at matanda na si Lebron ngayon, si AD lang yong inaasahan nila sa ilalim eh at nakahanap siya ng katapat ngayon kay Jokic na magaling gumawa ng tira kahit gaano pa kagaling ang bantay.
Masiyadong malabo na makabalik pa Lakers sa series. Puwedeng manalo sila bukas tapos maging 3-1 pero baka hanggang dun nalang yan tapos sa Nuggets na ulit.
Yung iba tinanggap na Nuggets saka Heat na maghaharap sa finals. Kala mo scripted sa sobrang ganda ng standing ng parehas na team na yan, deserve nila magharap sa finals at gumawa ng history naman para sa Nuggets.

Grabe tinapos na nga ng Nuggets ansagwa lang para dun sa mga umasang sugalero na makakasilat pa ang Lakers para mapahaba sana yung tayaan pero wala talagang tinodo na ng Nuggets para mapaaga yung pagpapahinga nila. Sguradong andaming iyak sa mga tumudo na para sana makabawi dun sa mga unang silat nila.

Ngayon ang aabangan naman eh yung laban ng Boston at Miami tignan natin kung gagawa pa ng paraan ang Boston na mapahaba or madagdagan man lang yung laro sa series nila.
Doon na yun rin papunta, alam naman na ng lahat na walang kalaban laban. Kahit na gusto ko din manalo sila Lebron, malakas masiyado Nuggets para sa kanila. May nakita nga ako sa FB nagpost na 4 million pesos binet sa series winner at binetan niya yung Lakers.
Mayaman siguro o di kaya YOLO lang. Afford naman siguro ng tao na yun matalo ng ganong halaga at mayaman siya. Sa mamayang laban, tatapusin na din yan ng Heat. Masiyado ng mababa morale ng Celtics dahil sa 0-3 nila.
1183  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: May 23, 2023, 07:47:22 PM
Maganda kasi kapag sa cp lang mapa android o iOs kahit nakahilata ka, pwedeng pwede ka maglaro kaso wag lang matrigger. Libangan nalang siya at kung competitive ka naman, pwede pa ring kumita bawat rank basta mataas lang ang ending rank mo per season. Di na din ako masyadong updated sa mga updates nila.
Yep, as of now ibang games nilalaro ko. Most of them is mini games lang at nothing competetive pero once na maging available na ang axie sa phone is ang plan ko is unti untiin ko laurin hangang sa masanay ulit ako at makita ang current meta ng axie at mag climb na ulit sa leaderboards kagaya lang ng dati. I just hope na mapadali nila yung pag labas ng origins sa IOS sa PH. If ever na nilaunch nila yung game sa IOS last bull run is sigurado ako na magiging priority yung PH sa sobrang dami ng players dito sa bansa natin pero ngayon sobrang tumumal talaga yung mga players at obvious naman.
Totoo yan, alam nila na iba ang market at number of users nila sa PH. Sobrang daming players dito kaso nawala nalang karamihan kasi nga bumagsak.
Pero kapag siguro gumanda ganda ang takbo at presyuhan ulit ng mga tokens niyan, magbabalikan ulit sa paglalaro. Meron naman na para lang sa enjoyment kaya naglalaro ng Axie ngayon at yung competition pahirapan din.
Yung lang din siguro nakapagpawala sa karamihan ng users kasi bawat season, new meta at new bili ulit ng axie.
1184  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 22, 2023, 12:55:56 PM
Agree kabayan, mukhang bakasyon na Lakers nito dahil wala pa namang team sa NBA ang nakakaahon sa 0-3 deficit at matanda na si Lebron ngayon, si AD lang yong inaasahan nila sa ilalim eh at nakahanap siya ng katapat ngayon kay Jokic na magaling gumawa ng tira kahit gaano pa kagaling ang bantay.
Masiyadong malabo na makabalik pa Lakers sa series. Puwedeng manalo sila bukas tapos maging 3-1 pero baka hanggang dun nalang yan tapos sa Nuggets na ulit.
Yung iba tinanggap na Nuggets saka Heat na maghaharap sa finals. Kala mo scripted sa sobrang ganda ng standing ng parehas na team na yan, deserve nila magharap sa finals at gumawa ng history naman para sa Nuggets.
1185  Local / Pilipinas / Re: Online Casino promoter hahabulin na ng CICC on: May 22, 2023, 09:37:35 AM
Sa US, dinemanda ng SEC yung mga misleading advertisers na sinasabi nilang may easy money sa mga ICO. Parang ganito din yan sa atin na nag promote na easy money ang paglalaro sa casino as if walang risk at yung panloloko na ginagawa nila sa mga promotional videos nila na maglalaro ka lang ng mines tapos bawat click mo parang walang talo, fake videos yung mga ganun at setup talaga ng account sa mga influencers yun para hindi sila matalo. Maganda yang ganyan para yung mga influencer na dumami lang yung mga followers pero walang ethics at unprofessional, matuto at magsimula ng mag ingat sa pag advertise.
1186  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: May 22, 2023, 05:04:57 AM
Mga merong Axie diyan, nakita niyo na ba yung balita tungkol sa paglaunch ng Axie at support sa iOs?
Axie Infinity: Origins launches on iOS in LATAM, Asia
Saka sa mga nakakakilala kay Taxton, wala na pala siya. Yes, he passed away.
Mukang itatry ko ulit laruin tong axie ahh since magkaka IOS support na sila, Though wala pa siya sa PH. I wonder if kelan kaya ito marerelease sa PH. Medyo nahahassle kasi ako sa PC maglaro before at di namana worth laruin if you aim for the SLP since bagsak yung presyo pero I think pwede ko to gawing libangan. I also plan to get an ipad soon kaya sakto maiadd to sa games na pwede kong libangan.
Maganda kasi kapag sa cp lang mapa android o iOs kahit nakahilata ka, pwedeng pwede ka maglaro kaso wag lang matrigger. Libangan nalang siya at kung competitive ka naman, pwede pa ring kumita bawat rank basta mataas lang ang ending rank mo per season. Di na din ako masyadong updated sa mga updates nila.

Yep it's a sad news na wala na si taxton, even rob luna is wala na din. 2 axie pinoy streamer na yung nawala satin. Nakita ko lang sa facebook ko while scrolling kasi both of them are good axie players TBH.
Unrecognized na top 1 si taxton ng Sky Mavis, salamat kay 1437. Tsk.
1187  Local / Pilipinas / Re: For how many years ngayon lang ulit nag balik sa bitcoin world on: May 21, 2023, 11:04:21 PM
2015 -2016, Puro faucet pa tapos yung time na yan nakikita ko pa yung $ETH nasa $1 USD pa.

2017, Nagsimula mag gambling gamit bitcoin sa PrimeDice at bumibili ng bitcoin worth 1K PHP kada linggo.

2018, ATH ng BTC at ETH medyo kumita ako hanggang 6 digits

2019, Pahinga kasi bear market.

2020, Pandemic tapos bumili sa mga dip kasi halving na at dapat makabili na agad kasi inaasahan ko na tataas na ang mga presyo ng crypto.

2021, 8 digits kinita ko pero di ko nalabas lahat.

2022-2023, Balik muna trabaho at sideline para makabili ng crypto habang bear market pa.

Ewan ko na lang sa parating na mga taon sana yung mga pagkakamali ko dati ay hindi ko na magawa. Sa ngayon ay tamang buy the dip lang ako ng mga potential na altcoins at kapag may butal na pera pinanglalaro ko sa futures
Grabe yang journey na yan at 8 digits. Ibig sabihin naka hold lang din yan ngayon at waiting lang sa next bull run, malay natin baka yang 8 digits mo maging 9 digits na sa susunod na bear market, mapapasana all nalang talaga ako.  Cheesy

Totoo guys na hindi lahat kayang tumambay dito sa forum. Year 2017 ako nagstart at more ore less naging inactive na din ako dito sa forum kasi grumaduate at ngtrabaho. Hindi maipagkakaila na naging malaki part ng bitcoins sa pagtatapos ko pero ang hirap din makabalik dito sa forum. Basa basa nalang din nagagawa ko most of the time. Masaya na din ako sa narating ng crypto, nakikita sa ibat ibang plataporma, need lang ng dobleng ingat sa panahin ngayon kasi mas active mga scammers, mas mabilis kasi sila makakapangloko.
Ok lang yan kabayan basta aware ka naman sa mga scams at hindi ka naman madadale niyan. Ang karaniwang sa mga nadadale niyan ay yung mga greedy at hindi pa aware sa existence nila.
1188  Local / Pilipinas / Re: Gawin Hardware Wallet ang Gameboy nyo on: May 21, 2023, 07:31:13 PM
Ang ganda nito, sa totoo lang meron akong emulator sa isang cp ko na binili ko lang parang extra phone lang at yung game ko doon ay pokemon.  Tongue
Nostalgic ang gameboy sa karamihan sa atin, hindi ako nagkaroon ng gameboy nung bata pa ako at nakikinood lang sa mga kaibigan kong may gameboy. Tapos nung nagtanong din ako dati ng gameboy color 500 pesos ang presyo niya yung gameboy palang yun at wala pang laro samantalang ang gameboy advance naman ay 1k mahigit. Panahong yun dati na mahal na yang mga halaga na yan kaya di afford ng mga magulang ko.

Tapos kung may ganitong integration na puwede pala gawing offline cold storage/wallet ang gameboy mukhang ito nalang bibilhin ko imbes na bumili ako ng hardware wallet na bago.

Mas ok pa dn talaga ang hardware’s wallet dahil pwede mo magamit ang funds mo kung gusto mo makapag transaction. Itong gameboy hardware wallet kasi ay more on storage lang talaga dahil walang internet connection kaya hindi ka maaring makapag send. Kailangan mo pang mag import ng seed phrase sa ibang wallet para magamit ang iyong funds.

Magandang ito na ipunan lang talaga ng mga funds na hindi mo gagamitin long term since parang backup storage mo lng ito at safe way din ito na mag generate ng wallet dahil sure ka airgapped ang device kaya walang way para maleak ang seed phrase na magegenerate mo assuming goods yung code nila.

Napacheck nga agad ako ng gameboy ko kung gumagana pa pagkakita ko nito. Parang nagmahal yata ulit price ng gameboy ngayon dahil ginagawa itong collectibles. Good luck sa paghahanap at strongly suggest ko na support minicon sa pagbili ng gameboy para magkaroon tayo ng mas malaking community.
Oo nga nagmahal ulit ang mga gameboy kasi merong demand pa rin at ito tayo yung mga bata pa 20 years ago and more tapos namimiss lang maglaro o di kaya mga hindi pa nagkaroon dati. Aware naman ako sa minicon kaso yung schedule nila hindi swak sa schedule ko.
Ok pala ito kung literal na cold storage lang ang gagawin, parang cool rin naman siya tignan. Nakita ko yung post ng isang crypto pinoy page tungkol dito at mukhang madami ring interested na gamitin yung mga gameboy's nila.
1189  Local / Pilipinas / Re: Gawin Hardware Wallet ang Gameboy nyo on: May 21, 2023, 12:06:11 PM
Ang ganda nito, sa totoo lang meron akong emulator sa isang cp ko na binili ko lang parang extra phone lang at yung game ko doon ay pokemon.  Tongue
Nostalgic ang gameboy sa karamihan sa atin, hindi ako nagkaroon ng gameboy nung bata pa ako at nakikinood lang sa mga kaibigan kong may gameboy. Tapos nung nagtanong din ako dati ng gameboy color 500 pesos ang presyo niya yung gameboy palang yun at wala pang laro samantalang ang gameboy advance naman ay 1k mahigit. Panahong yun dati na mahal na yang mga halaga na yan kaya di afford ng mga magulang ko.

Tapos kung may ganitong integration na puwede pala gawing offline cold storage/wallet ang gameboy mukhang ito nalang bibilhin ko imbes na bumili ako ng hardware wallet na bago.
1190  Local / Pamilihan / Re: Online gambling isa sa tinuturong dahilan kung bakit nawawala ang alamn ng gcash on: May 20, 2023, 11:11:15 PM
Malaking grupo to ng mga hackers sa tingin ko at talagang tinabraho nila to ng mga ilang buwan, dahil ang exploit na ginawa nila eh na i-report na isang group. Hindi natin alam kung sineryoso ng Gcash at walang ginawa at naging kumpiansya sila na hindi madidiskumbre ng ibang grupo.



https://www.facebook.com/DeathnoteHackers/

So matagal tagal na minamanmanan ng grupo, maaring nag build muna sila ng database thru phishing, email at phone at pumili ng araw na kung kailangan nila gagawin at hindi isang bagsakan. So unti-unti lang, may nakaahan ng daang daang libo yung iba mababa lang pero pag sinuma mo eh milyon ang lalabas.

Pati siguro yung bank account na pinagpasahan sila eh malamang peke ang dokumento o kaya may kuntsaba sa loob ng banko. Pwede rin tong tingnan ng Gcash na isang angulo para matukoy kung sino ang nasa likod nitong hack.

Tapos isabay mo pa yung kaguluhan sa Sim registration na isa rin sa ginamit ng mga hackers na to para ma exploit ang public at ma hack ang mga gcash account.
May ibang groups na din na nagreport niyan kay Gcash kaso nga, hindi natin alam kung nakikinig ba sila sa mga grupo na yan at sineseryoso ba nila yung mga report na yan. Sa mga IDs, pineke yan panigurado kasi yun ang pinaka madaling paraan para matrace sila pero may pictures di ba? Sana magkaisa yung mga sinasabing banks na kung saan winithdraw yung pera at mag cooperate sila kung meron mang investigation na ginagawa kasi mas magiging madali yan sa kanila kung magtutulungan sila sa pagpapalitan ng mga info kung saang accounts at banks at iba pang outlets lumabas yung pera. Pero tingin ko din na alam naman ng mga hackers na ito na hindi magiging madali yang cooperation ng mga companies at banks na yan.
1191  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 20, 2023, 12:27:47 PM
Kumusta mga mananaya? Gusto ko laruan ng Heat pero umasa din ako na makakabawi ang Celtics sa game 2. Sino ba naman mag-akala na hirap sila maka-score sa bandang dulo (3 minutes din ata na sablay at turnover yun). Swerte nung mga nag-ML sa Heat.
Ang dami pang mga hindi tinawag ng ref sa mga plays ng Heat pero kahit na may ganoong mga situations, panalo pa rin. Mas lalo na mananalo yan sa susunod na home court nila. Grabe din laruan talaga ni Butler. Bukas homecourt advantage naman ng Lakers, mas dadami tataya niyan sa Lakers kasi ang inaasahan e babawi sila game 3 at 4.
1192  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Ordinal at Paano gumawa ng Bitcoin NFT on: May 20, 2023, 09:27:21 AM
Agreed. Sobrang wala naman talagang kwenta ang NFT dahil yung iba ay doodle lang at random sketches na kayang gawin ng anak ko. Yung hype at price manipulation lang ang nagpapataas ng value nito lalo na kapag pinasok na ito ng sindikato na nagmamanipulate ng price para makapag launder. Biruin mo may NFT dati na million dollar ang halaga kahit na zero value talaga ito.
Meron kasi talagang mga tao na amazed sa mga ganyan at sila nagbibigay ng value sa mga NFT na yan. Parang paintings lang yan, meron talagang mga tao na para sa collectibles ng mga yan at meron namang hindi at walang pakialam tulad natin. Ako naman naging interested lang ako sa NFT na yan magmula sa Axie kasi nakita ko daming kumikita hanggang sa medyo napalaki invests hanggang sa nagkaroon ng mga scholar na natulungan tapos ako na ang naiwan sa ere.
1193  Local / Pilipinas / Re: Mga Hamon sa Pagtanggap/Adoptation ng Bitcoin on: May 19, 2023, 10:24:28 PM
Sa tingin ko pinakaunang hamon na kailangan harapin ng ating pamahalaan ay ang pagtuturo ng financial awareness sa mga paaralan at unti-unting pag implement ng edukasyon sa pangmalawakang ekonomiya. Hindi man ito priority need ng ating bansa pero malaking tulong ito upang mas lalong maunawaan ng ating kababayan ang kani-kanilang financial situation. Kapag kasi nabigyan ng kaukulang atensyon ng pamahalaan ito, siguradong mababawasan ang mga kababayan nating nagiging biktima ng mga scam. Although marami ang magsusulputan na mag take advantage o kaya mga magmamarunong, madali lang din i trim down yan kung may kaakibat na batas, at the very least hindi kung kailan pa mabiktima dun pa sila magbibigay ng warning.
Yan talaga ang dapat unahin at magmula elementary hanggang college kasama dapat yan. Kahit nga dapat sa mga companies hanggang ngayon dapat maglaan sila ng seminar o maliit na oras lang para sa financial awareness at education para yung mga sahod nila, hindi magagastos sa mga walang kwentang bagay. At kapag napag usapan na ang pagiging financial literate, diyan na papasok yung ideya sa mga investments, stocks, crypto/bitcoin, jewelry, real estate at iba pang mga appreciating assets.
1194  Local / Pilipinas / Re: [Discussion] Pagbili ng Bitcoin Physically/IRL P2P on: May 19, 2023, 08:54:30 PM
Kung mababang halaga lang siguro, puwede kong subukan na personal meetup at sa P2P market nalang ako bibili ng Bitcoin. Pero kapag malakihang transactions, iiwas ako sa P2P at meetups. Kapag ganyan kasi siyempre paranoid din ako kapag sa mismong transaction na at madami dami na akong balitang nabasa na hindi naging maganda ang kinalabasaan ng mga meetup na transactions.
1195  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 19, 2023, 04:47:57 PM
Literal na pabaligtad sila sumila ng si Wei na humawak ng company na 'to. Ibang iba ang patakbo ni Ron sa kanila pero ganon pala sa startup companies na kapag successful na, ibebenta na sa iba para ma acquire sa mas mataas na value.
Mas maganda maging friendly sila ulit o di kaya pinakafriendly laban sa dalawang giant e-wallets ngayon na maya at gcash. Lately lang nag accept ang Gcash ng crypto pero mas kilala na sila ngayon ni Maya na nagaccept ng crypto. Kung itotodo nila yung kahigpitan nila, okay lang naman pero mga users lilipat sa no hassle at easy wallet app.
Tama ka dyan mate GCash at Paymaya ay nag accept rin ng crypto and ang kagandahan pa ay wla masyadong kuskusbalongos or hastle hindi kagaya ng coins.ph ngayon na masyado ng maraming pasikotsikot at ito pa mas mababa ang Gcash keysa Coins.ph ngayon so mas maganda ng gamitin.
Kaya nga, sobrang daming proseso kahit na may mga changes at updates sila ngayon. Mas easier na ang Gcash at Maya kaya ngayon sila ang maghahabol sa mga customers nila. Hindi natin masisisi una yung mga kababayan natin dito sa forum na nagsialisan na sa kanila dahil sa mga restriction, paulit ulit na KYC at pagbaba ng mga limits nila. Wala silang binigay na halaga sa mga long time customers nila.

1196  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 18, 2023, 11:05:14 PM
So meron palang pagbabago sa Coins.ph,

Quote
GameFi and Web3 Executive Jen Bilango Joins Coins.ph as PH Country Manager

https://bitpinas.com/business/jen-bilango-coins-ph-country-manager/

And according to the article, mukhang makikipag compete sila sa mga e-wallets like Gcash and Paymaya. So tingnan natin ang mga maaaring pagbabago sa Coins.ph. Parang pabaligtad nga eh, sila naman talaga ang nag umpisa ng mga e-wallets na to, tapos fiat->crypto, or crypto->fiat. Medyo napag iwanan nga lang sila kasi parang bumaba ang customer service nila tapos dami nang hinihingi sa tin mga docs. Samantala ang Gcash and Paymaya ay easy lang mag apply at approved again at now at may Crypto coverage na rin sila. Kaya siguro and Coins.ph eh natataranta na hehehe.
Literal na pabaligtad sila sumila ng si Wei na humawak ng company na 'to. Ibang iba ang patakbo ni Ron sa kanila pero ganon pala sa startup companies na kapag successful na, ibebenta na sa iba para ma acquire sa mas mataas na value.
Mas maganda maging friendly sila ulit o di kaya pinakafriendly laban sa dalawang giant e-wallets ngayon na maya at gcash. Lately lang nag accept ang Gcash ng crypto pero mas kilala na sila ngayon ni Maya na nagaccept ng crypto. Kung itotodo nila yung kahigpitan nila, okay lang naman pero mga users lilipat sa no hassle at easy wallet app.
1197  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: May 18, 2023, 09:47:47 PM
Mga merong Axie diyan, nakita niyo na ba yung balita tungkol sa paglaunch ng Axie at support sa iOs?
Axie Infinity: Origins launches on iOS in LATAM, Asia
Saka sa mga nakakakilala kay Taxton, wala na pala siya. Yes, he passed away.
1198  Local / Pilipinas / Re: Mag-ingat sa bagong paraan ng mga hacker at Scammer on: May 18, 2023, 08:44:54 PM
Sa ngayon madami ng paraan ang mga hackers para mag nakaw. Tulad sa gcash. Pero palagay ko sa yung sa gcash hack is sa may ari talaga ng gcash ang problema. Diba maraming online gambling ngayon at gamit lang gcash pwede ka na tumaya. Isa rin itong paraan para makuha ng hacker yung gcash account mo. Kapag wala ka masyadong alam sa internet security at kung saan2x ka lang naglalapag ng gcash mo eh malaking posibilidad na ma hack ka.
Yan nga ang iniisip ng marami na ang mga biktima ng mga hacking na yan ay may ginawang tulad ng pagsusugal at inallow yung permission na makaconnect yang mga casinos na yan sa gcash account nila.

Last 3 years ago ata nakapag try ako sa isang online casino. After ng registration magcacash in ka para makalaro ka sa game. Ang nakapagtataka lang eh parang ang daling manalo. Nag cash in ako 50 tapos wala pang 10 minutes almost 12k na pera ko. Tinry ko eh cash out ayun nang hingi ng otp at pin ng gcash para ma process daw yung withdrawal mo. Kung walang ka alam2x yung may ari ng gcash malamang binigay na niya yun. Buti na lang aware ako that time at binigay ko random numbers at pin. At nag success pa. Antayin lang daw yung pera within 24 hours.
Grabe nga yan at isa yan sa mga patunay na galing talaga sa mga casino na sketchy kung paano sila nahack.
1199  Local / Others (Pilipinas) / Re: Gcash hacking issue. on: May 18, 2023, 12:07:54 PM
Marami pang accredited ng Pagcor na online gaming casino na tiyak na mas safe kesa sa mga bagong usbong na unlicensed online casinos.
List for reference: https://www.pagcor.ph/regulatory/accredited-service-providers.php/
Ang technique kasi ng mga unlicensed casinos na yan at lumapit sa mga influencers na may mga hundred thousands to millions na mga followers. Kasi alam nila sobrang dali lang nila maging popular. Sobrang daming mga bagong casinos ako nakikita na inaadvertise ng mga influencers at hindi nila inaalam kung lehitimo ba ang operations nila at licensed by sila ng Pagcor. Sa pagkuha kasi ng license pagkakaalam ko malaking halaga ang kailangan diyan kaya yung karamihan na mga casinos ngayon bina-bypass na nila yan at rekta na agad sa market hangga't hindi sila nahuhuli.
1200  Local / Pamilihan / Re: Online gambling isa sa tinuturong dahilan kung bakit nawawala ang alamn ng gcash on: May 17, 2023, 10:05:01 PM
Kaso wala atang study na ginagawa na kasama lahat sila. Meron sanang volunteer research group na magsagawa ng ganyang pagsisiyasat para naman magka-idea rin tayo kung totoo ba yung mga nababasa natin na related din sa online gambling yung mga past activities nila.
Tingin ko kahit umamin sila, itatanggi nila na related pa rin yan sa online gambling ang pagkawala ng pera nila at ibe-blame pa rin si Gcash pero ganun pa man, sana lang talaga maresolve na yan at magkaroon ng pagkaklaro lalo sa ibang mga agencies o companies na nagka-conduct ng sari sarili nilang mga studies.
Ang isang problema kapag kasi nawalan sila ng gcash, kahit alam nila na sila may kasalanan sasabihin nila na dahil nhack ang gcash nila kahit na totoo sila ay may ginawang kamalian, medyo madami na akong naencounter na ganeto, na kahit alam nila na sila mali magpapalusot sila na wala silang alam, isa kasi ito kung bakit nahihirapan gumawa ng solusyun minsan, pero siguro additional security features ang isa sa maganda nilang tignan, medyo hassle pero secure, aanhin mo naman minsan iyong mabilis pero madaming butas na pwede mamanipula,
Yun nga, nirarason nila na si Gcash lahat may kasalanan o flaw. Pero in a nice way naman, nagre-react si Gcash at mas pinaigting pa nila ang security nila.
Meron kasing mga tao na hindi marunong tumanggap ng pagkakamali nila at ituturo pa sa iba yung sisi kaya kahit na nasa harap na at sila mismo ang gumawa ng paraan para ma hack sila, hindi nila sasabihin. At kahit na hindi naman lahat fault ng mga users, meron rin naman siguro talagang mangilan ngilan na fault ni Gcash.
Pages: « 1 ... 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 [60] 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 ... 283 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!