Bitcoin Forum
May 24, 2024, 01:44:30 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 [58] 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 ... 283 »
1141  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users on: June 04, 2023, 10:10:53 PM
Ano kayang problema sa gcrypto ko simula nung naglaunch hindi ko parin magamit nakalagay pa rin, "We're verifying your account".

Nakalagay naman na nakakarecceived ng text within 7days kapag fully verified na pero mag 2 months na siguro ito hindi ko pa rin nagagamit itong Gcrypto, pano kaya ito fully verified naman ako sa Gcash kaya dapat okey na siya, then nagsend ulet ako kase pagpinipindot ko ang Gcrypto need daw iupdate ang information pero until now wala pa rin update naalala ko dati nagsend na ako sa support nila pero mukang walang ginagawa ang Gcash.
Natry mo na ba ireinstall? Baka ang kulang lang din sayo ay selfie verification katulad ng nangyari sa akin. Try mo lang muna ireinstall baka sakaling may mga additional verification na hingin sayo. Kasi kung complete naman na verification mo at sinasabi nilang still verifying pa rin at pare parehas lang sinasabi ng support nila baka hindi nila madetect yung sa selfie which is ganyan din nangyari sa akin, try lang naman wala naman mawawala.
1142  Local / Pilipinas / Re: Atomic Wallet Hack on: June 04, 2023, 08:43:44 PM
Yung mga malalaking funds ang tinatarget ng mga hackers, posible kaya na inside job yan kasi ayaw din imention ng Atomic kung ano talaga ang rason. Mabuti nalang at nabalik yung funds ng mga biktima, sa sobrang laki ng funds nila bakit hindi bumili ng mga wallets like Trezor at iba pang hardware wallets para mas secured ang funds nila. Yan ang di ko maintindihan sa mga may malalaking assets sa portfolio nila at pinagkakatiwalaan pa yang mga non custodial wallets, okay lang sana kung maliit na halaga lang.
1143  Local / Pilipinas / Re: Ano ang isususgest mong batas para sa Crypto adoption sa ating mga lawmakers on: June 04, 2023, 11:16:54 AM
Para sa akin basta ang batas ay pabor sa crypto at hindi nila ideclare na ilegal yan. Tapos saka sila mag focus sa mga scam at mga schemes na nanloloko ng mga kapwa natin.
Kasi dahil sa mga panloloko na yan, diyan nagiging pangit ang imahe ng bitcoin pati na rin mga ibang crypto sa bansa natin. Kung doon sila maglalaan ng oras para mawala yang mga yan o di kaya mabawasan, ang laking ginhawa hindi lang sa adoption ng crypto kundi para na rin sa karamihan sa mga kababayan natin.
1144  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: June 03, 2023, 09:55:43 PM
Tama lahat ng sinabi mo, may isa pa at yun yung mamuhay lang ng naaayon sa kinikita mo. Dahil related naman ito sa financial, marami tayong kababayan na makatanggap lang ng medyo malaking halaga, ang iniisip agad ay kung ano bibilhin nila gamit yung pera na yun. Imbes na itabi muna o di kaya maghanap ng investment ay iniisip nila agad paano yun lustayin. Walang problema kung may mga investment at assets na sila pero kasi karamihan sa nakikita ko ay yung tipong isang kahig, isang tuka. Mahirap naman turuan kasi sasabihin nagmamagaling ka. Kaya sana mas marami pang mga kababayan natin ang maging financial literate para mas gumanda ang buhay ng karamihan sa atin.
1145  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: June 03, 2023, 10:03:35 AM
Sa akin naman, yong lang mga tira nina Martin at Strus na hindi pumapasok ay malaking bagay na yon kaya sila natalo, pero may adjustment talagang gagawin dito yong coaching staff kaya kampante ako na at least ma-cover ng Heat yong spread sakaling man matalo pa rin sila.
Yan ang napansin ng madami na puro sablay tira nila pati si Duncan. Kaya sobrang hirap ng scoring kapag sila kasi parang automatic i-shoot lang ng i-shoot kapag hawak nila bola. Pati nga din si Butler parang walang bwenas nung game 1.
Kapag wala pa silang adjustment na gagawin sa game 2 at puro sablay pa rin, kawawa nanaman sila niyan at yun yung mapapansin ng lahat. Mukhang kailangan ng mga yan magpraktis shooting hanggang mamaya.
1146  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users on: June 03, 2023, 07:03:27 AM
Yung sa akin wala talaga, as in puti lang siya for 10-15 minutes. Hindi lumalabas kahit yung initializing, at tsaka kinompare ko din naman sa GCrypto ni misis, sa kanya mabilis lang wala pang 2 minutes nga bubukas na at may loading na lumalabas, sa akin as in wala after maghintay ng matagal.
Nangyari din sa akin ngayon ngayon lang. Puti lang din at ganun pala ang dapat gawin kapag nangyari na, ire-install lang ang Gcash app tapos pag login mo ulit bubulaga na yung selfie verification. Ang corny nila, dapat man lang maglagay sila ng update mismo at hindi yung papahintay nila mga tao, na gets ko na yung naging problema mo at hindi nga normal yung ganyang katagal. Pero kasi sakin dati medyo matagal pero nagloload naman yung puti hanggang sa napatanong na ako bakit ang tagal, buti nalang nabasa ko itong encounter mo sa kanila at yung solution.
Oh di ba. May naka-experience din. Salamat at nakatulong sayo bro at feeling ko marami pa ang mga Grypto users na may same problem tulad sa atin.
Ang nangyayari kasi ayaw natin mag-uninstall dahil nga mawawala yung mga records ng mga pinagsesendan natin normally (yung history ng phone numbers) tapos yung mga bills history nawawala na din. Hindi ko pa naman gawain yung uninstall lang, nag clear data ako lagi para talagang malinis.

Anyway, masaya ako at may natulungan na. Sana maituro na lang din sa iba in case magkaroon din ng same problem. Bug ito, kasi sa iba nagana at sa iba hindi. Yung verification process ang kung minsan ay nawawala kahit pa fully verified ka na user, dapat may isa pang verification thru GCrypto. Kapag hindi lumabas yun, asahan na baka magkaroon ng problema the next time buksan mo yung nasabing service sa loob ni Gcash.
Naalala ko yung post mo at sabi ko normal lang yun hanggang sa nangyari sa akin at tinry ko uninstall at install ulit, pagka login ko may selfie verification na. Kagigising ko lang nga eh pero okay naman na. Dapat kasi may note si Gcash na kailangan i reinstall o di kaya na need mag comply sa selfie verification kasi parang wala namang note na nilalagay at nanghuhula lang ang mga users kapag naranasan yan sa Gcrypto nila. Pero dahil okay naman na ulit, no worries na.
1147  Local / Pilipinas / Re: May Mga Influencer Ba Tayo Na Tutok Sa Cryptocurrency? on: June 02, 2023, 11:36:56 PM
Sa tingin ko si Marvin Favis ay isang shiller ng crypto. Nakita ko siya sa TikTok noon nung 2021, madaming fake influencer ang nagsisilabasan at meron ding mga fake mentors pero ngayon wala na sila. Magaling kasi magsalita si Marvin Favis, tapos yung mga trades nya ay most of the time tumatama kasi yung market bullish, alam natin na basta bullish ay madami ang kumikita. Hindi ko sigurado kung malaki ba talaga kita nya kasi yung losses nya hindi pinapakita. Hindi ko masasabing magaling magtrade si Marvin Favis kasi di katulad kay Wander Trader nagti-TA talaga, pero naniniwala ako na maraming nahihikayat na pumasok sa cryptocurrency dahil sa kanya.
Sa mga influencers, hindi talaga nila papakita mga losses nila kaya may bias diyan. Totoo yan na tuwing bull run, sobrang daling mag predict ng kung ano ang kalalabasan ng mga trade. Puwede din naman yan ipakita nila dahil pipiliin lang nila ang gusto nilang ipakita.
May mga nakikita akong mga real trader at influencer din na walang kuskos balungos kaso nga lang, kahit na ang ganda ng content nila, magbebenta ng course. Hindi naman ako against sa ganyan kasi way rin nila ng pagkakakitaan yan pero turn off ako sa mga ganyang uri ng influencers.
1148  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: June 02, 2023, 10:03:56 PM
Ang tahimik ata natin ngayon mga kabayan, mamaya na yung Game 1 ng Nuggets versus Heat.

Latag ko nalang tong early prediction ko baka may gustong sumabay sa inyo Cheesy Gaya ng sabi ko sa naunang discussion natin ay sa Miami Heat ako sasabay sa Game 1 at Game 2.

Miami Heat -8.5 @ 2.01 vs Denver Nuggets .. Tapos bigyan ko nadin ng kaunting moneyline @ 4.2 kasi malay natin diba hehe. Good luck sa inyo!
Baka tulog pa kasi madaling araw dito sa atin.  Tongue
Good luck sa lahat ng mga magbe-bet mamaya maya. Mukhang maganda itong prediction mo para sa Heat at baka nga masilat nila ang Nuggets. Karamihan sa ngayon puro Nuggets ang napupusuan sa finals at yung tipong sweep ang magaganap. Iwas muna ako at mago-observe lang muna sa game 1.

Hindi maganda ang araw sa ating mga Heat fans mga kabayan, talo yong Heat tsaka hindi pa nila na-cover yong spread.

Caleb Martin and Max Strus combining only for 3 points, laking factor nyan kung bakit sila nilamangan ng double digits all through-out the ball game.

Pero first pa lang naman at sigurado akong may adjustments na namang gagawin tong si coach Spo para kahit matalo ay at least dikit yong laro.

Bawi nalang tayo sa susunod kabayan.
Kaya nga, sobrang disappointing yung mga key players pero may ganyan talagang panahon na malas sa mga tira. Tignan natin kung yung adjustments ba ay makikita sa game 2 kasi ang daming disappointed pero wala naman tayong magagawa kasi hirap naman kalaban ng Nuggets. At baka ito na rin yung panahon nila sa bagong mga generational talents na naa-acknowledge ngayon lalong lalo na si Jokic.
Bala at ni Coach Spo puro tira lang sa labas kasi nga hirap sumalaksak sa loob.
1149  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users on: June 02, 2023, 08:32:56 PM
Yung sa akin wala talaga, as in puti lang siya for 10-15 minutes. Hindi lumalabas kahit yung initializing, at tsaka kinompare ko din naman sa GCrypto ni misis, sa kanya mabilis lang wala pang 2 minutes nga bubukas na at may loading na lumalabas, sa akin as in wala after maghintay ng matagal.
Nangyari din sa akin ngayon ngayon lang. Puti lang din at ganun pala ang dapat gawin kapag nangyari na, ire-install lang ang Gcash app tapos pag login mo ulit bubulaga na yung selfie verification. Ang corny nila, dapat man lang maglagay sila ng update mismo at hindi yung papahintay nila mga tao, na gets ko na yung naging problema mo at hindi nga normal yung ganyang katagal. Pero kasi sakin dati medyo matagal pero nagloload naman yung puti hanggang sa napatanong na ako bakit ang tagal, buti nalang nabasa ko itong encounter mo sa kanila at yung solution.
1150  Local / Pilipinas / Re: May Epekto ba sa Crypto adoption sa mga nangyayaring hacking at phishing on: June 01, 2023, 10:07:23 PM
Sa taong sa title, para sa akin hindi naman. Kasi kahit dati naman marami ng mga ganyang balita pati nga mga kilalang exchanges na nahack at sobrang daming BTC ang involve, nandiyan pa rin naman ang adoption na dumating naturally.

Sa tingin mo ba malayo pa talaga ang kaalaman natin sa cyber security marami pa rin ang nabibiktima ng hacking at phishing kung saan ay hindi ng user ang pagkakakilanlan sa mga fake websites.
Sa Pinas oo pero sa mga first world countries ay parang binibigyan nila ng importansya ang cyber security at kahit na simple at basic awareness at knowledge lang sa pagiging safe online, may alam sila. Dito sa atin hindi at malayong malayo pa talaga.
1151  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: June 01, 2023, 08:29:53 PM
Ang tahimik ata natin ngayon mga kabayan, mamaya na yung Game 1 ng Nuggets versus Heat.

Latag ko nalang tong early prediction ko baka may gustong sumabay sa inyo Cheesy Gaya ng sabi ko sa naunang discussion natin ay sa Miami Heat ako sasabay sa Game 1 at Game 2.

Miami Heat -8.5 @ 2.01 vs Denver Nuggets .. Tapos bigyan ko nadin ng kaunting moneyline @ 4.2 kasi malay natin diba hehe. Good luck sa inyo!
Baka tulog pa kasi madaling araw dito sa atin.  Tongue
Good luck sa lahat ng mga magbe-bet mamaya maya. Mukhang maganda itong prediction mo para sa Heat at baka nga masilat nila ang Nuggets. Karamihan sa ngayon puro Nuggets ang napupusuan sa finals at yung tipong sweep ang magaganap. Iwas muna ako at mago-observe lang muna sa game 1.
1152  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Dating Pastor nag launch ng sariling Crypto! on: June 01, 2023, 12:47:38 PM
Sa totoo lang ang pag donate ay dapat bukal sa loob at walang kapalit. Pero kung gumawa ka ng isang bagay para mas i increase ng donator ang ibibigay nyang pera I think hindi ito tama. Regardless sa intention, hindi dapat ginagamit ang church para sa sariling kapakanan.
Kahit na sabihin natin ang ganyang mga patakaran, ang realidad ngayon sobrang daming mga churches na tinayo para lang sa kapakanan ng mga leaders at founders nito.
May innovation man na part o wala pero kung usapang pera lang, hindi na yan maiiwasan kaya may mga leaders na kitang kita na nabulag nila mga miyembro nila.
Sa pastor naman na ganito, updated siya sa mga trend ngayon at baka nakita niya yung mga pump and dump ng mga tokens kaya naisip nya yung ganito. Ang tingin ko sa ganito corporation, hindi na church at ginawang gatasan ang mga miyembro.
1153  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: June 01, 2023, 09:57:54 AM
Medyo malaki nga yang difference in which pabor pa din sa coins but there is  Binance p2p in which walang dahilan bakit kailangan pa nating dumirekta sa local wallets kung meron namang exchange na mas madali at malaki ang palitan.
May kanya kanya naman tayong reference kaya okay lang kahit saan tayo magtrade basta legit naman. Sa laki ng spread na sinasabi mo, lalaki lang yan kapag malaking amount din ang ite-trade mo. Pero kung mga ilang libo lang naman, hindi masyadong ramdam yung spread.

Indeed , I am also shocked knowing that pinalitan na nila ang legacy kaya mas nakakawala na gana gamitin service nila , parang hindi na nila kinoconsider ang local users .
Medyo pangit nga na galaw ginawa nila diyan at saka ewan lang natin kung na-nonotice ba nila na yung karamihan sa mga old users nila ay wala na sa kanila.
1154  Local / Pilipinas / Re: Presyo ng bitcoin umangat on: May 31, 2023, 11:27:53 PM
Pwedeng mag sideways parin tayo for this month. Historically eh mahina talaga ang June para satin.
Tama. Parang may mga part ng history na laging mahina kapag month of June, hindi ko na maalala kung bakit pero mas ok na yung ganito kaysa naman bubulusok pababa.

Isa ako sa mga nagsisi dyan meron akong isang coin dito nahinold ko at hindi na ako nag check ng price di ko namalayan nag 50 times profit sya na miss ko ang profit at ngayun bagsak uli ang price nya, kung mag iinvest ka need mo sundan sa market ang development at price ganun din sa Bitcoin may point din na need mo kumolekta ng profit, lalo na sa bull run kasi pag nag bear uli ang market ang tagal ng hintayan naman.
Basic lang naman to buy low sell high then repeat kahit baguhan kaya sundin ang basic ng market, wag lang yung day trading kasi medyo kumplikado ito.
Ako naman nakachamba lang nung 2018 bear market pero hindi na nasundan at ang maganda doon binenta ko para bumili ng mas magandang coin. Mahirap na makahanap ngayon nung mga tipong early development tapos sa long term ay magkakaroon ng magandang development. Karamihan kasi puro beginning stage lang yung sipag.
1155  Local / Pilipinas / Re: Pinas magkakaroon ng stable coin on: May 31, 2023, 08:58:58 PM
Hindi na kailangan ng ganyang service IMHO. Nandiyan naman na ang mga bank at mga remittance centers at magiging hassle lang yan sa mga magpapadala kasi nga bagong service na dapat ay pagkatiwalaan nila, hindi yan basta basta agad mapagkakatiwalaan ng madaming OFW.
Pupuwede pa rin naman yan kung may partnership sila sa isang kilalang company dito sa bansa natin pero parang nagiging redundant na kasi mga ganitong project kahit naman may existing service naman at kahit naman mismong Bitcoin yan ang gamit kung remittance at transfer lang ang pinakapurpose.
hassle din kasi remittance at banks.
meron akong kakilala sa Hongkong na binubusisi ang pagpapadala niya ng pera ang daming hinahanap na ID at dami pa nilang tanong.
pag crypto/stablecoins diretso na sa wallet ng pagpapadalhan wala pang service fee na malaki, gagawin nalang yung receiver iconvert sa local currency.
Isa nga sa magandang feature yan ng stable coin pero katulad ng gaano kahigpit itong sa mga banks at remittance centers. Alam naman natin na pwedeng i-freeze ang stable coin na meron tayo. Oo, sa mga illegal transactions pero ang punto doon ay may control ang mga devs na puwede silang mangfreeze ng accounts o stablecoins anytime nila gustuhin. Pagkakaalam ko sa mga remittances ngayon, may mga app na sila kaya mas convenient na din.
1156  Local / Pilipinas / Re: May Mga Influencer Ba Tayo Na Tutok Sa Cryptocurrency? on: May 31, 2023, 07:11:26 PM
Si Chinky Tan, Marvin Germo at Marvin Fabis yung big 3 sa atin pagdating sa crypto influencer. Kung isasama si Nyeammm Xian Gaza ay pwede na din.
Si Chinky Tan hindi naman siya focused sa crypto, financial content creator siya. Masa-suggest ko siya para sa mga wala talagang alam sa pagiging financial literate.
Si Germo, okay siya kung sa stock market kasi doon naman siya focused at sa community ng stock market parang hate na hate siya kasi parang baligtad lagi binibigay niyang mga content.
Si Favis, may mga inendorse yan na nagrug pull at hindi lang daw parang isa kundi parang madami dami din at nung nag sirugpull-an parang balewala lang sa kanya.
Si Gaza, literal na scammer yan. Huwag kang magpapadala sa mga magagandang sinabi niyan. Join kayo sa group sa FB na may pangalang "Otnis V3" Otnis = Sinto.
1157  Other / Beginners & Help / Re: What was your biggest fear with starting in crypto? on: May 30, 2023, 06:24:53 PM
My biggest fear in starting crypto is getting scammed, I've already gotten scammed and rugged a lot of times before and it makes me feel bad and felts terrible,
I was a victim of online scams too before I got to know about Bitcoin. People that surrounded when told me that I should be careful when I've discovered Bitcoin but I told them that it was different that time and it's unlikely a scam wherein I was too naive with those scams that victimized me and I was younger.

well scamming and fraud are really common in this crypto world so always be careful on that and this is a really common experience for a beginner so we should learn a lot of things first before we try something involved a money.
Sadly, it's common in the internet and there's the negative thoughts about it when people talks about crypto. It should be for everything online and crypto was just exploited by these scammers.
1158  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users on: May 30, 2023, 12:56:48 PM
Mga gaano ka katagal naghihintay sa white screen? Sa akin medyo matagal din ang loading ng white screen pero inaantay ko lang siguro mga 1-2 minutes at yun na yung pinakamatagal. Pero kung yan ang gumana sayo baka nga sa mga hindi pa dumaan sa verification process, yan ang isa sa dapat niyong gawin at para hindi na din magulat yung mga gusto gumamit ng Gcrypto. Kung kumpleto naman na sa process at verification at kapag white screen, antay antay lang mga kabayan kasi sa akin parang normal lang na matagal ang loading niya at sana pabilisin din nila.

Yung pasesnya at kaba madalas hindi nagkakatugma kaya siguradong normal lang na mataranta ka lalo kung meron kang asset sa loob
na need mo gamitin or syempre yung value nun.

Pero maganda dun eh syempre nakakapag isip ka ng ibat ibang way para maresolve yung issue, bagay na hindi mo naman controllado kundi talagang
hahanapin mo yung way na gumana sya na.

sa mga makakaexperienced nito magandang gawing basehan yung mga personal experienced nyo para iwas taranta din.
May mga times na matataranta talaga tayo at normal lang naman yun. Nag check ako ilang beses at medyo matagal nga siya mag load pero hindi naman na abot ng 1-2 minutes. Mga ilang segundo lang din pero parang ang tagal nga sa loading pero yung kaibahan lang ngayon, may percentage na siya kung ilan na yung loading at pagtapos nun loading ulit.
1159  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 30, 2023, 10:09:54 AM
Parang yung sa alagang hayop na pinataba muna ng pinataba bago katayin tapos sa sariling pamamahay pa ginawa Grin

Buti na lang Heat sa game 7 at nabawi din talo noong mga nakaraang araw.
Haha, grabe lang parang tama nga yung mga memes na nakita ko na pinasarap lang ang Celtics tapos saka kakarnehin sa 7.

Mga ilang games kaya kaya nilang masilat laban sa Nuggets? Mukhang mahirap din ma-sweep ang koponan na ito. Hula ko maka-isa o dalawa sila.
Mahirap mag assume kasi halos lahat ngayon nirerecognize kung gaano kalakas yung Nuggets. Dami ko ng nakikitang mga kaibigan ko naghahanap ng ka-bet tapos +1 pa kapag Miami ka. Mukhang sigurista sila sa Nuggets.
1160  Local / Pilipinas / Re: Mag-ingat sa bagong paraan ng mga hacker at Scammer on: May 29, 2023, 11:02:50 PM
Puwede din naman nila itawag at one call away lang naman mga bangko. Totoo yan na tamad karamihan sa mga kababayan natin tapos ang sisi sa bangko agad at hindi sa kanila kahit na nagki-click ng mga harmful links at alam nilang hindi sila familiar sa mga links na yun.
Dapat talaga laging may warning at paalala para maging aware karamihan sa mga kababayan natin tapos wala ng maisisi kundi sarili lang nila kapag may nanakaw sa kanila.

May mga warnings naman ang platform at ibang social media influencers tungkol sa mga ganitong bagay at tsaka di naman siguro nagkulang ang gobyerno sa mga paalala para maiwasan ang mga ito. Sadyang di lang talaga nag iisip yung iba nating kababayan at basta nalang naniniwala agad sa kanilang nabasa.

If inalam lang nila muna ang mensahe na natanggap nila for sure di sila magkaka problema sa hacking or scamming issues na yan. Maraming paraan na ma contact ang mga legit institution kaya wag sana tamarin yung ibang kababayan natin na magtungo sa kanila kapag nakatanggap ng di kanais-nais na mensahe.
Para sa akin lang, di kasi sapat ginagawa ng gobyerno para sa awareness sa mga ganito. Oo nagpapaalala sila pero yun lang parang di lang siya sapat sa akin.
Pero may kasalanan din naman mga kababayan natin kahit na narinig o nabasa na nila yung paalala, tuloy pa rin sa mga pinaggagawa nilang mga steps na hindi recommended lalo sa mga online transactions at pag click ng mga links. Hindi ako hater ng gobyerno at hindi rin naman ako woke pero dapat talaga mag mula sa kanila yung active raising ng awareness regarding sa cyber space.
Pages: « 1 ... 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 [58] 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 ... 283 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!