Nagstart na ako ng sarili kong account dito sa website na ito at maraming mga companies ang kumukuha dito kaya nung nirecomend saken ay gumawa na agad ako ng account para makapagsimula ng portfolio ko. Maraming naghihire pero depende pa rin sa iyong portfolio kaya masmaganda habang maaga pa ay sisimulan na agad or pagandahin na agad yong portfolio. I wouldn't say that LinkedIn profiles would counts towards on being your "portfolio" kasi parang gumagawa ka lang ng Facebook profile page mo dito the only difference is yung mga nilalagay mo dito is yung job history mo, skills, saang school ka nagtapos, at yung mga certification na natapos mo lahat yan hindi din naman gagawing basehan kung kukunin ka kaagad or hindi kasi may physical interview talaga yung job hunting lang is online except for home-based hiring na minsan ginagawa sa video call yung interview with the employer. If I were you kahit ayusing mo lang ng onti yung LinkedIn profile mo and then mas ituon mo ng pansin yung resume mo mas magiging ok para saknila yun. bro, naririnig ko na tong linkedin na to before pa at mas maganda nga opportunities if makukuha ka dito, pero ask ko na din may chance kaya na makuha dito kahit na minimal lang yung requirements mo for a particular job, I mean kahit na hindi ka expert sa isang field? kumbaga malaki pa din ang chance for a minimal requirements sa isang trabaho?
As long as pasok ka sa requirements i-expect mo na makakatanggap ka ng tawag. Hindi naman ito padamihan ng experience sa trabaho eh, minsan pag-nakita nila na lumagpas na yung achievements and experience mo para sa trabaho na yun iiwasan ka pa nila dahil alam nilang overqualified ka sa trabaho na yun and the employers would expect these individuals to demand more salary since they have the bargaining power to do so. Just to help you on your job hunting makakatulong dito if gagamitin mo yung filtering system nila, filter out jobs na need nila is yung mga fresh graduates or yung mga 0-3 years na work experience for that position para lang makita mo kaagad yung mga trabaho na pasok sayo at matanggal yung mga job openings na malabo ka makapasok.
|
|
|
IMHO Bitcoin's halving event is pretty overrated when it comes to it being linked as a "trigger" to price gains when in fact the cutting of block rewards doesn't really have an instant effect on Bitcoin's supply, lahat ng nararamdaman natin is hype from crypto enthusiasts, news sources, as well as influential people na sumusubok na gawing big deal ito. Na noong 2016 it failed to show any significant o instant price gains para sa Bitcoin. Medyo nakakasawa na din na madami ako nakikita na kampante na tataas yung Bitcoin dahil lang may paparating na halving, gawa na rin siguro ng mga nababasa nila pero ito papakita ko yung 2016 chart para ma-debunk natin yung instant price increase after Bitcoin's halving happens. Ito yung chart ng Bitcoin during the 2016 Halving in July 09, 2016 click the image to see the full resolution Bitcoin's price during July 09, 2016 ended at around 648$ at makikita niyo naman nagkaroon sya ng downward movement after that. BTC took exactly 164 days just to surpass the peak they had in 2015 which was around 770$ kung gains ang usapan BTC during those 164 days from halving only gained around 19%. Yung 19% na yun if titignan natin sa ibang mga price action ng Bitcoin kaya nyang gawin yun in just around 2 days to 1 week, remember the December 2017 bull run? Last two months ago bago pa nangyari yun nag-simula ng umakyat ang Bitcoin. For traders out here remember TAYOR (trade at your own risk) tayo palagi dito at hindi dapat tayo palagi nag-papaniwala sa mga nababasa natin, kung naniniwala ka man mabilis lang naman i-debunk yan. Gaya ng ginawa ko ngayon sa chart na ito that FOMO didn't happen after the 2016 halving.
|
|
|
~snip
I agree as well but the competition on LinkedIn was totally huge especially if you're not on a premium account subscription. So far marami ang mga jobs rito but mostly sa mga napag-aaplyan ko they still required to have you walk in on their company or on-site especially if local lang yung inapplyan mo. Regarding sa "competition" I don't think this exists, usually ang employer naman pag nakita nila yung resume mo and pasok ka sa lahat ng requirements makakatanggap ka na kaagad ng tawag sa kanila palaging sa interview/tests nag-kakaalaman kung sino yung best candidate para sakanila. Also mas malaki pa chance mo matanggap if sila na mismo nag-sabi na mass hiring sila. With regards sa premium account I don't see any benefits or biases pag dating sa pag-pili ng mga applicants for interview, mostly yung features ng premium parang makikita mo lang kung sinong mga employer bumibisita sa profile mo at InMail messaging nila, walang tungkol sa pag-increase ng chances mong matawagan. Upwork, Freelancer, Toptal and most known freelance site ay hindi mga beginner friendly or yung mga walang masyadong karanasan o experience and what I am annoyed by their site was their reviewing of application to sign up on them kasi mostly they chose those who has experienced or has lot of experience. I don't know if others experience it as well you can share it here if you have the same story.
Freelancing websites isn't really a place for newbies in the first place. It's a place/market para sa mga professionals o skilled sa filled ng serbisyo nila so don't expect that they'll just be accepting anyone, also wag mo din i-expect na madaming kukuha sayo lalo na pag wala ka pang history or record of service sakanila. Kaya dapat kung experienced ka sa skill mo dapat i-pakita mo yan sa portfolio ng mga nagawa mo na at katulad din yan ng resume pa-gandahan ng profile para lalong mapansin lalo na ng mga potential clients mo.
|
|
|
dahil every 10 minutes, may bagong blocks na na ccreate(mag ddive tayo deeper dito mamaya), ang mga nasstore na data sa blockchain ay permanente, secured, nakaayos sa paraang chronological, at hindi maaaring mabago.
I would use this statement sparingly lalong lalo na pagka para sa newbies itong topic na ito dahil baka kasi ma mislead sila na lahat ng transactions sa Bitcoin as guaranteed at ligtas sa kahit ano pa mang mga hacks o threats. Tandaan na si Satoshi Nakamoto mismo ay hindi nagbigay ng kahit anong guarantee na walang transaction na mababago o mawawala dahil alam niya na may mga threats na nag-eexist sa Blockchain kahit hindi pa ito nag-sisimula, nag-bigay lang sya ng "proposed" solution pero wala syang sinabing guarantee na walang vulnerabilities na mangyayari. We propose a solution to the double-spending problem using a peer-to-peer network. As long as a majority of CPU power is controlled by nodes that are not cooperating to attack the network, they'll generate the longest chain and outpace attackers. If a greedy attacker is able to assemble more CPU power than all the honest nodes, he would have to choose between using it to defraud people by stealing back his payments, or using it to generate new coins.
Yung last two quoted from Bitcoin's whitepaper si Satoshi ay nag-sasabi sa posibilidad na ang 51% attack ay pwedeng mangyari sa network, at kung nagawa nga iyong ng isang attacker o grupo ng tao maaari nyang mabago yung mga transactions o tanggalin ito at maka-gawa ng double spending. For newbies who are new with Bitcoin transactions kung gusto ninyong i-confirm yung legitimacy ng transaction niyo dapat niyong tinitignan palagai yung number ng confirmation ng iyong transaction, 0 confirmation ay maituturing na unsecure at pwede pang mabaligtad ang transaction ninyo, kaya waiting for at least 1 confirmation (for small transactions) ay dapat ninyong tinitignan.
|
|
|
karamihan kasi ng mga banks dito sa atin ayaw sa crypto..pagtingin nila sa crypto ay scam..pero kulang sila sa idea..tama lang sana meron at pwedi ito sa pinas..kasi mahirap mag transfer transfer ng funds at crypto bago mag deposit at widraw
Huh? Ano yung gusto mong puntuhin dito? Kasi hindi naman kasalanan ng bangko yan kung wala pa tayong virtual crypto debit card dito sa Pilipinas kung titignan mo wala tayong provider na may capacity para mag-offer ng virtual crypto debit card dito sa Pilipinas. Gaya ng Coinbase or Bitpay sila ay crypto-based companies na nag-offer ng virtual visa debit cards sa kanilang mga clients kasi may capacity sila para sa ganito, the banks associated sa Visa won't necessarily reject this just because sa crypto nang-gagaling yung pera, kasi kumikita din sila dito. Last time I know who offered virtual debit cards sa Pilipinas is yung Coins.ph but sadly it got discontinued after nagkaroon ng regulatory changes yung provider nila nuong 2017. Payo ko lang sayo before you point out things or even assume it is the reason why tignan mo muna yung totoong problema or naging dahilan ng mga bagay bagay. Matagal na din kasing impresyon ng mga tao dito sa crypto industry lalo na sa mga baguhan na puro nalang bangko may hadlang sa lahat pero ang totoo nyan madami pang mga bagay na nag-hihinder sa pag usad ng crypto. Tagalin mo nalang yung buong notion na bangko yung kasalanan and before ka tumalon sa isang konklusyon mag-basa muna at alamin ang katotohanan.
|
|
|
Guys if gusto niyo maging employed on a permanent basis o full-time home-based employee and not as a freelancer o project-based employee I would suggest this site: https://www.linkedin.com/ , masu-surpresa kayo sa mga big companies na nag-hahanap ng work from home (wfh) na empleyado. Even before the enhanced community quarantine started may mga kumpanya na naghahanap ng work from home employees and hindi lang mga simpleng "encoder" type jobs ang makikita niyo dahil meron mga full-time data analyst, market analyst, at software developers na hinahanap ng mga kumpanya na ito. One handy feature I like is yung "easy apply" function nila na kailangan mo lang click yung "easy apply" button and sila na magsa-submit ng resume na prinovide ninyo.
|
|
|
Regarding virustotal, may qualms din si Theymos tungkol dito: virustotal is trash. It can't be used as "proof" of malware, only a very vague hint. It is mighty suspicious when someone posts a binary without source which you're supposed to run as root, though.
Although ginagamit ko rin naman to sa pag check ng mga scams specially yun relations nila to confirm yung IP address. Kung ito ba ang binabahayan ng mga scammers/hackers o criminal. Example: https://www.virustotal.com/gui/ip-address/<insert ip address of suspected scam sites here>/relations I only use this before I download the file coming from sites I'm new at, ginagawa ko ito para lang magka-heads up ako kung may mga na detect ba ang VirusTotal and kung false positive nga ito, mahalaga ito para malaman mo kaagad if yung software na yun talaga is may nadedetect na malware-like file sa loob. Also ang VirusTotal mismo ay gumagamit ng database ng iba pang Anti-virus software kaya technically they are using the analysis of other AV for the files scanned. After that first check and downloading the file hindi ko parin i-execute yung file dahil papatakbuhin ko pa yung scan ko sa Windows Defender ko, it's safe to download a file kahit di sya clean as long as hindi mo papatakbuhin yung .exe file o i-unzip yung file.
|
|
|
PlanB last 3 days ago updated his BTC S2F model with an article in medium. Ang nakakagulat lang dito is gumawa sya ng value prediction for the year 2020-2024 para sa Bitcoin in line ng Halving na mangyayari dito. The S2FX model formula can be used to estimate the market value of the next BTC phase/cluster (BTC S2F will be 56 in 2020–2024):
Market value = exp(12.7598) * 56 ^ 4.1167 = $5.5T.
This translates into a BTC price (given 19M BTC in 2020–2024) of $288K.
Ang Stock/Flow (SF) ng Bitcoin ay magiging 56 na which is more than double compared to the current year, and yung price calculation nya for Bitcoin given na existing supply nito ay umabot na ng 19 Million in circulation at 288,000$ in just 4 years. Medyo nakakagulat lang na nagkagawa sya ng price prediction using his own model for Bitcoin gamit lang ang mga factors such as halving, current supply, upcoming new supply, at calculated market value. Pero para sa akin kahit convincing yung binigay na concept ng S2F ni PlanB hindi pa din ako masyadong kampanted na ganun ka-accurate or kadali ang mangyayari sa Bitcoin. Just by looking at the Stock to flow model makikita mo naman na hindi cinonsider ang mga outside factors only Bitcoin at internal factors lang ang na-isama sa model. Factors katulad ng laws, economics, at higit sa lahat yung actual demand ng Bitcoin ay hindi kasama sa model na yan. Hindi ko sinasabi na mali sya pero this is just another way of looking into things and kung paano nagka-value ang isang digital asset.
|
|
|
Nag-bigay na din ng reminder sa blog page ng Coins.ph regarding fake social media pages at chaka mga phishing attempts related sa Coins.ph wallet natin. Bukod dun meron din akong natanggap na email tungkol sa mga recent attacks na nangyayari sa mga accounts sa Coins.ph regarding phishing attempts mapa-email man yan or through fake giveaway at kung paano maiwasan ito, masasabi ko naman hindi naman nagkulang sa pag-papaalala ang Coins.ph regarding sa mga atake na ito kaya nagtataka ako madami pa din nabibiktikma dito. Di ko alam kung masyado lang bang gullible mga user ng Coins.ph o mabilis mabulag sa pera kaya mabilis sila mapaniwala sa mga scam pero sana as a Wallet User mapa-Coins.ph man yan o Gcash o Paymaya sana lang maging aware kayo sa mga attacks na ito dahil walang magiging liability ang mga kumpanya na ito lalong lalo na kung user's end yung dahilan ng kapapabayaan.
|
|
|
~snip
From the definitions stated in the bill, ang virtual currency at virtual token ay pwede din maging legal tender. "...for the purpose of being used as a medium of exchange for the acquisition of goods, services or any other rights" means it can be used just like fiat currencies (PHP). Technically, fiat currencies/E-money are also assets (current assets) and I think that's why they used the word "asset" for virtual currency/token. Pagdating naman sa tax implications, nakadepende talaga yan sa kung paano gagamitin ang mga virtual currency/token. Kung ang isang negosyo ay ginagamit ito sa kanyang regular business deals/trades, applicable ang income tax at value added tax. Kung gagamitin naman as capital asset (non-business), papasok naman sa capital gains tax. It doesn't really matter whether Virtual Currencies are identified as a legal tender in the country or not as long as identified and recognized sya as a medium of exchange dito sa bansa it will still be a win for us. Technicalities kasi ang problema dito kaya ginamit ang wording na "medium of exchange" kaysa sa legal tender, pag ka sinabing "legal tender" din ang cryptocurrencies sa bansa mako-contradict nya yung lumang batas natin about Philippine Peso being the one and only legal tender in the Philippines. Ako ok lang akong classified as "asset" ang virtual currency as long as accepted sya as payment wala namang masama dun bukod sa nakasanayan nating termino na "currency" nga ang "cryptocurrency" we just need to accept the classifications of the government. ~
Marami pa talaga pwede mabago dyan. After ng Senate hearing, meron nirekomenda dati na "Task Force" para pagaralan ang digital currencies. Kabilang dito ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), Department of Finance, Cagayan Economic Zone Authority (CEZA). Ang alam ko meron na din nilapitan mula sa mga private sectors para isama sa grupo. Wala nga lang tayong update kung nag-materialize ba ang task force na ito. Mukhang yung iba walang pakialam at parang nagkanya-kanya naman ang SEC at CEZA. This will be a tedious process, wala kasi syang sense of urgency kumpara sa SB 1418 aka Bayanihan to Heal as One Act na parang less than a week na approve na at nagawang batas sa Pilipinas. Bills like this will hang out for years dahil na din related ito sa Banking and Finance madaming departments ang involve and madami din silang dalang disagreements, pero if we have a certain group of politicians na masasabi nating "pro-crypto" sa tingin ko kaya nilang pabilisin yung process lalong-lalo na kung gusto nila isa-batas ito bago pa mabuo yung Crypto Valley of Asia sa Cagayan.
|
|
|
Tax Tax Tax Papatawan na ng Tax. Crypto Currency sa Pinas Hindi na Makakaligtas sa Tax!
Yan panigurado pwede maging Headline after maipasa yang Bill na yan, then dadami na naman ang mga full time. Scammer hangang sa masira ng tuluyan ang muhka ng Crypto sa Bansa.
Maganda na pinaalala mo sakin yung subject na "Tax" kasi yun yung isa sa mga kulang sa Senate Bill na yan, wala silang topic tungkol sa tax kahit saang parte ng Senate Bill, another way of saying na kulang pa talaga yung ginawa ni Senador Imee Marcos. Ang headline kasi ng mga balita at dyaryo natin (media in general) ay kabisado ko ng misleading and sanay na akong di hinuhusgahan yung balita mabasa ko lang yung headline. ^ Pagka-ganyan yung mabasa ko na headline hindi na ako magtataka kasi wala naman ng bago dyan, cryptocurrency never was exempted in any kind of tax obligations. Kahit paano mo pa kinita yan mapa sa mining, trading, o bayad para sa trabaho it will always be subject to tax, hindi porket na-introduce ang crypto sa dark web at dumikit ang pangalan niya sa "anonymity" ay dapat tax-exempted na din sya. Bilib ako sayo bro, natyaga mo yung 12 pages ✌️😂
Grabe ka naman, 12 pages lang yan hindi mahirap basahin yan, tapos malaki pa yung font size at spacing matatapos mo yan in just under 20 minutes na maiintindihan mo . If nabasa mo nga makikita mo madami akong subjects na iniwan dahil magiging medyo komplikado na (at mahaba) para sainyo pag nagdagdag pa ako o kung hindi naman paulit-ulit nalang yung punto ng mga Section ng Bill.
|
|
|
Ang Senate Bill No. 1041 (18th Congress) ay Inintroduce ni Senador Imee Marcos nuong September 11, 2019, ito ang kinikilalang pangalawang batas na pinakita sa Senado na patungkol sa "Virtual Cryptocurrencies" ng isang Senador, yung una is yung SB 1694 (17th Congress) na ginawa ni Senador Leila Delima nuong February 14, 2018 patungkol naman sa pagiging "Aggravating Circumstance" o ang pagtataas ng criminal punishment sa kung sino man gumamit ng cryptocurrency sa mga krimen. Ang malaking pag-kakaiba ng SB 1041 sa SB 1694 ay hindi lang ito tungkol sa punishment kung hindi paano ang magiging estado ng cryptocurrency sa bansa natin, maaring ito na ang magiging unang klase natin na crypto law about how cryptocurrencies can be used in the country. Dito ipapakita ko yung mga nakita kong mahalagang impormasyon sa Senate Bill na ito para makita natin kung ano nga ba ang magiging itsura ng batas natin patungkol sa cryptocurrency, susubukan ko din simplehan ang mga depinisyon at i-explain ang mga ito ng ma-ige. Senate Bill No. 1041Long Title:AN ACT RECOGNIZING DIGITAL ASSETS, REQUIRING THE REGISTRATION OF DIGITAL ASSET ENTERPRISES, THEIR OPERATORS, AND FOR OTHER PURPOSES Short Title:DIGITAL ASSET ACT OF 2019 Definition of a Virtual Currency in the Philippines (b) "Digital asset" means "e-money" and "virtual assets" (c) "E-money" means a digital representations of fiat currency whose issue is backed by an equivalent fiat currency. It is an electronic store of monetary value on a technical device that may be widely used for making payments to entities other than the e-money issuer. The device acts as a prepaid bearer instrument which does not necessarily involve bank accounts in transactions. (f) "virtual asset" means virtual currency and virtual token. (k) "virtual currency" means an electronic data unit created on an electronic system or network for the purpose of being used as a medium of exchange for the acquisition of goods, services or any other rights, or the exchange between virtual assets, and shall include any other electronic data units. (I) "virtual token" means an electronic data unit created on an electronic system or network for the purpose of: (i) specifying the right of a person to participate in an investment in any project or business; (ii) specifying the right of a person to acquire specific goods, specific service, or any specific other right under an agreement between the issuer and the holder, and shall include any other electronic data units of right.
Sa mga depinisyon sa isang batas ito na siguro yung masasabi kong isa sa mga maseselan na gawin ng isang mang-babatas dahil ang simpleng depinisyon ng isang bagay ay ma-aaring panghawakan o magalaw ang iba pang mga batas patungkol dito. Parehong Virtual Currency at Virtual Token (Coin and Token) ay makikilang asset sa Pilipinas na pwedeng gamitin as a medium of exchange. Sa depinisyon palang ng pagiging "asset" ng cryptocurrency alam na natin kung saang tax sya papasok and for investments most likely ay capital gains tax ang under dito pero kung isa kang business na tatanggap ng cryptocurrency as payment both capital gains tax at income tax ang magiging obligasyon mo. Sa aking opinyon lang tama na i-lable ng Pilipinas ang mga cryptocurrency as asset bukod sa hindi pagbabago or papakielaman yung lumang batas natin about the Philippine Peso being the only legal tender in the Philippines makakasunod din tayo sa ginagawa ng ibang bansa, recently ang Japan iniba nila yung term na "virtual currency" sa simpleng tawag na "Crypto Asset" dahil baka daw ma-mislead yung publiko nila na ang mga cryptocurrency ay may parehas na value at gamit sa bansa nila. Departments Involved in Regulating Cryptocurrencies and Related Businesses Section 4. BSP as Lead Agency for E-Money. - The BSP shall be in charge of the exercise of powers under this Act over the operation of E-money and shall have the power to issue notifications and perform duties in accordance with this Act.
Section 5. SEC as Lead Agency fo r Virtual Assets. - The SEC shall be in charge of the exercise of powers under this Act over the offering and issuance of virtual assets, and the operation of virtual asset businesses. The SEC shall have the power to issue notifications and perform duties in accordance with this Act.
In terms of what departments are involved with cryptocurrencies masasabi nating wala pa ding nag-bago sakanila. Ang BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) pa rin ang mag-reregulate ng "e-money" meaning bukod sa mga cryptocurrency transactions sila din ang humahawak sa iba pang online/mobile payment sa Pilipinas gaya ng Gcash, PayMaya, at GrabPay. Habang ang SEC (Securities and Echange Commission) pa rin ang hahawak sa mga virtual exchange (crypto exchange) sa Pilipinas at sa mga Issuance ng ICOs dito dahil sila din naman may hawak sa Stock Market natin sa tingin ko sila ang tamang department para humawak dito dahil na rin "asset" na maituturing ang cryptocurrency sa bansa. ICO Offerings in the Philippines Section 9. Offering and Issuance o f Virtual Assets. - For the purpose of supervision and monitoring of the issuance and offering of virtual tokens and the undertaking of virtual asset businesses, the SEC shall have the duty and power to establish the policies relating to the promotion and development as well as supervision and monitoring of virtual assets and virtual asset business operators as prescribed under this Act.
Gaya ng sinabi ko ang department ng SEC natin ang hahawak sa mga cryptocurrency offerings aka ICOs dito sa bansa, mahahalintulad din natin ito kung ano ang ginagawa ng ibang bansa na kung saan ang mga ICO projects ay dumadaan din sa proseso ng kanya kanyang SEC department bago ito ma-offer sa kanilang mga citizen. Bukod sa stock market sila din ang nag-reregulate sa other invesment vehicles dito sa Pilipinas gawa ng mutual funds at UITFs kaya sila talaga ang tamang maging head department dito. Section 12. License to Offer Virtual Tokens. - Only the SEC shall issue a license to offer newly issued virtual tokens to the public. Any natural or juridical person may obtain a license to offer virtual tokens by filing a registration statement and a draft prospectus to the SEC.
The offeror of virtual tokens shall prepare and submit the following information to the SEC: (a) reports concerning the results of business operation and the financial conditions; (b) any information which may affect the rights and interests of virtual token holders or the decision making on investment or the change in the price or value of virtual token.
The SEC shall have the power to specify in a notification the categories of virtual tokens or the characteristics of the offering of virtual tokens which shall be exempt from the requirement to submit a filing of the registration statement for an offering of virtual tokens and the draft prospectus under this Section.
Aside from ICO projects needing to obtain a license bago sila makapag-offer ng kanilang ICO yung pinaka crucial talaga na impormasyon dito is yung hinighlight ko. What the law is basically telling us is that we will also have classifications of ICO offerings sadly walang binigay yung Senate Bill na ito kung any yung mga classifications na iyon malamang ang SEC ang magbibigay ng classification dito. Sa tingin ko mag-kakaroon tayo ng similar approach katulad ng ginawa ng US SEC which has two classifications of ICO offerings one is yung Utility Token and yung tinatawag na Security Token which is similar to being a stock of a company. Pwede tayo mag-expect na additional regulation dito dahil may iba't-ibang uri na tayo ng ICO offerings Virtual Exchanges, KYC, and their Clients' Protection Section 13. License to Operate Virtual Asset Business. - Only the SEC shall issue a license to operate a virtual business. The application for the license and the issuance of the license shall be in accordance with the rules, procedures and conditions as specified by the SEC and is subject to payment of the application and license fees.
In operating virtual asset business, a business operator shall comply with the rules, procedures and conditions as specified by the SEC, taking into account the following matters: (a) sufficient financial resources for the conduct of and risks associated with its operations; (b) safety of its clients' assets; (c) security measures against electronic crime, which are capable of protecting the computer system and computer data as well as the management of risks associated with crime or other causes; (d) appropriate accounting systems for the business and auditing by the auditor approved by the SEC; (e) know-your-client measures, client due diligence process and measures against financial assistance to terrorists or money laundering.
Sa ngayon dahil wala pa tayong batas na para sa virtual exchanges masasabi ko yung na-itutupad palang dito in advance is yung KYC ng mga user. Habang wala tayong batas na makakapag-enforce ng proteksyon ng mga user masasabi ko na hindi tayo magiging protektado sa kapabayaan nila o di kaya may maduming balak sila. Ngayon if may hack na nangyari or data breach ang makukuha nilang penalty is yung mga nakasaad lang sa mga batas natin ngayon, pwede nilang sabihin na na-bankrupt sila dahil sa recent hack and wala na tayong pera na makukuha pagka-ganun yun ginawa nila. Kung may batas tayo ngayon na mag-proprotekta sa ganitong bagay siguradong safe ang capital natin dahil hindi mag-papabaya ang mga Virtual Exchanges when it comes to their platform's security. Section 17. Protection of Virtual Asset Clients. - No virtual token business operator in the category of virtual asset broker, including its staff members or employees who are aware or in possession of information related to any order for purchase or sale of any virtual assets or derivatives related to such virtual assets of any client of such business operator, shall take any of the following actions, either for the their own benefit or for the benefit of any other persons, in any manner that is likeiy to cause a disadvantage to the client: (a) placing, modifying, or cancelling an order for purchase or sale of virtual assets or derivatives related to such virtual assets by taking advantage of doing so before the order of such client is completely executed; (b) disclosing information related to the order of such client to any other person where they know or ought to know that such other person would rely on such information in placing, modifying or canceiling any order for purchase or saie of virtual assets or derivatives related to such virtual assets before the order of such client is completely executed.
SB 1041 dedicated a whole section for the protection and non-disclosure of the clients' market orders. Mahalaga ito para sa kahit sinong user ng isa crypto exchange dahil yung impormasyon natin sa ating mga traders ay mahalaga and para sa atin. Any kind of leaks sa ating mga orders ay magiging disadvantageous sa atin. Just think of an employee of the virtual exchange you are using is trying to sell your information/market orders to others just to get ahead of you and your orders, dito palang matatalo ka na sa mga trades mo dahil alam na nila yung mga galaw na gagawin mo sa exchange.
Pa-alala lang para sa lahat, this is still a Senate Bill ng Senado and nasa 1st reading palang ito ever since September, right now ang if titignan niyo ang contents ng Bill na ito masasabi niyong hilaw pa sya and konti palang ang naco-cover nito considering that the Bill is only 12 pages long madami pa syang kulang na kailangan ilagay. Hindi pa ito batas and malaki pa ang chance na ma-modify ito or mabago dahil recently nag-karoon na din ng meeting ang Pilipinas at Japan tungkol sa pagka-karoon ng "Pro-crypto laws" sa Pilipinas and baka maging malaki yung impact nito sa pagbabago ng ating magiging batas. Pero yung Senate Bill na ito ay pwede mag-silbing backbone kung paano huhulmahin ang ating magiging unang batas sa cryptocurrency dito sa Pilipinas.
|
|
|
so i did some little research and i found pdax , but some people here are suggesting abra so i will ask the experts here on which one is better ? PDAX or ABRA ?
Nabasa ko yung thread mo and sa pagkakatanda ko yung Coins.ph wallet account mo yung na suspend and hindi yung Coins Pro na trading account so sa tingin ko nag-hahanap ka ng wallet replacement para sa Coins.ph? Kasi ang PDAX they are more of a crypto exchange rather than a wallet meron lang silang exchange wallet pero wala silang mobile app na parang katulad ng Coins.ph unlike Abra na pwede mo na din ma-consider na Coinbase/Coins.ph alternative na may mobile wallet. So baka yung right choice para talaga sayo is Abra and not PDAX if hindi ka naman makikipag-trade ng cryptocurrencies. Also Abra ngayon kahit hindi sila masasabing crypto exchange platform mas madami pa silang ino-offer na cryptocurrency for both buying and selling (100+) as compared to PDAX that has only the usual top 5 cryptocurrencies (BTC, ETH, XRP, BCH, LTC).
|
|
|
Gusto ko sana mag invest sa binance at sa freebitco.in yung may faucets kada oras kaso lang san ba sila ma lolocate like yung company nila
Wala kang makikitang office dito ng Binance sa Pilipinas, even though multi-national company hindi sila nag-ooperate locally sa Pilipinas ang mga may alam ko lang na offices sila is sa Singapore, China, Taiwan, USA, at Malta. Freebitco.in on the other hand doesn't have any known offices. Hindi din sila masasabi na "investment" type of website since ang main feature nila is either their lottery game or yung dice nila although yung in-site Wallet nila nag-eearn ng 4.08% annual interest hindi ito part sa main business model nila at I would highly discourage you using their wallet since it is a web wallet and madalas i-hack ng mga hackers ang FreeBitco.in accounts kaya risky din on your part. If you are really interested in investing in the crypto market mas maganda na din siguro na tignan mo yung mga local options natin bago ka tumingin sa international crypto exchange, kung yung crypto na hinahanap mo nandun naman sa local crypto exchange natin mas mabuti pa na yun nalang piliin mo muna.
|
|
|
~snip
They never disclosed why sa totoo lang, pero may pinoint silang isang transaction which I RECEIVED (or withdraw) money from a gambling address (luckyb.it hot wallet AFAIK) dun sa mismong account na yun, plus several sent bitcoins to addresses na hindi ko na alam kung saang services nakakonek dahil ang time-frame na pinakita nila is from 2015-2016. I resubmitted the necessary documents na kailangan nila: 2 valid IDs, proof of income/source of funds tapos proof of address. All in PDF form. Afterwards, sinabi lang nila in person na irereview daw nila yung status nung account at kung ano yung action going forward. A week later, suspended na yung account ko with no explanation sa email whatsoever, at gusto inadvise lang ako na if ever gusto ko makuha yung natitirang balance eh kelangan ko ng affidavit (forgot kung para saan) at ipaprocess yun within 7 business days. Note: hindi kalakihan yung transaction na nareceive ko sa luckybit back then (2016 yung luckybit transaction, 2018 nasuspend account ko), though against kasi ito sa online gambling regulations ng Pinas. Yung nasabing site eh walang offshore gambling license from PAGCOR kaya siguro eh mainit talaga ito sa mata ng coins.ph team. That's all I know and that's all I understood when I put two and two together. Hindi ko sure kung ano yung exact reason bakit nila sinuspend pero yung partikular na transaction from luckybit lang talaga ang inemphasize nila. I could be wrong, but for everyone's safety, kung gusto niyong maglaro eh use any other addresses muna kung magdedeposit o magwiwithdraw para lang safe. If that is the case talagang kailangan na palang iwasan entirely yung pag-gamit ng Coins.ph BTC wallet sa kahit ano pa man na transaksyon na related sa gambling kasi baka it doesn't matter kung withdrawal pa yan or deposit kasi it will still be counted as a transaction sa kanilang part gamit ang Coins.ph wallet mo. Regarding them asking for several of transactions in the past siguro ito din ay related to gambling o di kaya kasama dun sa mga list ng activities nila na bawal. IMO wala din silang pake if part ka sa Philippine Offshore Gambling Operators (POGOs) list nila kasi medyo vague din yung pag-kakasabi nila ng prohibition about gambling. Prohibited Uses include transaction or activities related to:
(c) Gambling: Online gambling, lotteries, casinos and informal gambling, gaming operations, sports betting, and other games of chance and forms of speculation; Base sa pag-intindi ng prohibition nila it does not matter kung gagamitin mo yung Coins.ph wallet mo sa recognized POGO operator or hindi kasi ang purely na pinagbabawal is yung Gambling activity mismo the terms of agreement doesn't really tackle about the legality of the website. Hindi ko din mai-susugest sainyo yung method na indirectly sending/receiving any transactions from at least 1 wallet (e.g. Crypto Gambling Site > > Electrum > Coins.ph Wallet or Vice Versa) kasi mabilis lang din nila mababack-track yung transaction kahi i-daan mo pa sa isang wallet na hawak mo.
|
|
|
As far as I know, maraming forums sa internet, hindi lang about cryptocurrency, at maraming tao ang nag-hahanap ng iba't-ibang helpers sa mga iba't-ibang forums. I've been part of a small project na nanggaling sa computer language forum. Hindi ko paba ito masasabing trabaho/job/part-time job?
Masyado naman tayong hypocrite kung sasabihin nating ayaw nating kumita ng pera kahit na sa forum lang, kita naman sa signature ng karamihan ng mga pinoy dito.
Ano ang opinion ninyo dito?
@meanwords hindi ito patas na paraan ng pagbibigay opinyon sa qinuote mo na message ni TagaMungkahi, simply what you are doing right now is taking his statement out of context dahil yung post na yan galing sa thread na ito tungkol sa recently na nahuli na alt accounts ng mga pinoy. If gagamitin lang basehan yung statement na yan purely masasabi kong mali sya at hypokrito dahil kahit sya nag-susuot ng signature para sa kanyang campaign management service. Pero if gagamitin mong basehan yung buong thread and kung paano niya ini-reply ito alam mo naman kung anong ibig sabihin nya na wag tratuhin na parang job/income source itong forum na ito, and isa na din ako sa nagbigay ng similar na opinyon tungkol dito. Nais lang nya (baka) and ako na sabihin na dapat ibahin natin yung pag-tingin sa forum kasi pag inin-troduce mo ito sa kaibigan mo na income source lang ang Bitcointalk diba sa unang impresyon palang nila ang forum na ito para lang kumita yung tao? Yung forum na ito tinatawag na Bitcointalk at hindi Signaturetalk, kaya dapat mas focus tayo sa topics about Bitcoin at sa mga related dito. Di naman hyprokito si Tagamungkahi dito sinasabi lang nya na baguhin yung pananaw niyo sa Bitcointalk para di din ma-abuso ang forum na ito.
|
|
|
Kung inyong mararapatin nais ko lang malaman ang inyong mga opinyon sa aming mga katanungan sa research na nagawa namin, gusto ko lang malaman kung ano na ba ang opinyon ng ibang tao about sa cryptocurrency ngayong taong 2020. Maari ba kayong maging respondate at sagutin ang mga iilang katanungan na ito? 1. Ano ang cryptocurrency? 2. Saan mo nalaman ang cryptocurrency? 3. Payag ka ba na isakatuparan ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas? 4. Ano ang naging dulot sa iyo ng pag-gamit ng cryptocurrency? 5. Sa iyong palagay ano ang mga dahilan kung bakit hindi lubos na kilala ang cryptocurrency sa bansang Pilipinas?
Magiging malaking tulong ang inyong mga sagot sa naiisip kong darating na research ngayong taon kung sakaling matapos na itong pandemic virus.
@OP mas maganda siguro kung Google Forms nalang sana ang gagamitin dito para sa mga ka-sagutan nila? Bukod sa pag-save ng oras mo sa pag-likom ng kanilang mga sagot mas magiging organisado ka pa, recently lang din ako grumaduate and to be honest this is not how you collect online surveys with, plus ang thread dapat ay tungkol sa usapan para sa topic me which I would like to discuss (dahil 7 out of 15 groups sa klase namin ay cryptocurrency based yung topic nila) at hindi para gawing survey form mo. Maybe edit your OP after you come up with a Google Form survey link trust me mas mabilis ka makakakuha ng sagot sa isang survey form and ma-kolekta yung kanilang mga kasagutan sa ganitong paraan, isa na ako sa sasagot ng survey mo. About naman sa topic na cryptocurrency sa mga thesis medyo nagulat ako nung 7 out of 15 groups samin ay may topic na cryptocurrency and dapat on a legal point of view yung study, nakaka-surpresa kasi na way back 2018 pala may mga gumagawa na ng topic ng cryptocurrency, kayo ba ilan kayo sa class/batch niyo na may similar topic? As a result parang mas naging mahirap yung panel defense nila dahil handang handa yung mga panel gawa na din na na-discuss yung topic sakanila ng mga unang grupo. It was really a wrong move to pick a common topic dahil mas nagiging handa mga professor pag-alam na nila yung mga sasabihin mo.
|
|
|
~snip
“While the price per coin may stagnate during a period of aggressive economic deflation, the inherent buying power of the currency will actually rise, possibly quite significantly,” said Brandon Mintz, CEO of the bitcoin ATM provider Bitcoin Depot.
doesn't that assume bitcoin's price vs dollars won't ever drop during this "aggressive economic deflation"? if investors and consumers have less money to spend and they want to hold dollars, won't this dynamic pressure bitcoin prices down? Maybe the article's whole point is based on this statement: The rush for cash, however, may not have a substantially negative impact on bitcoin’s price because deflation would also boost the purchasing power of the cryptocurrency. The article's author maybe inferring to Bitcoin's dollar value having more purchasing power as the dollar's purchasing power itself is rising that's why Bitcoin is "benefiting" from this deflation. However this will all depend on whether or not this deflation we are facing right now is due to economical growth or the pending economical stagnation we will be facing, my guess is it is the latter. Deflation is simply a decrease in demand for goods in a certain economy, it will always be cause of the supply being greater compared to demand it is having. The supply of goods growing while other economical factors are running in the same direction will mean that the deflation is good, however in the situation we are currently facing which is the pandemic the oversupply of goods we have is not caused by the economy operating but it being in a standstill. How can people be the demand if majority of them are staying in their houses? How can the prices of oil go up when simply there are a few cars being driven? These are just two questions/examples why the deflation we are facing now isn't good but rather might be start of the recession a lot of people are talking about.
|
|
|
If it's compromised, magpapasend lamang sila ng valid IDs for re-verification na ikaw nga talaga ang may control sa account. They don't block accounts dahil lang may change sa activity, at least from what I know sa 6 years kong paggamit sa service. If proofs are sent, the only way I see it eh baka may nasend si OP na coins towards a gambling site. Auto flag sa system ng coins.ph yun, dahil dalawa sa mga kaibigan ko na ang gumawa nyan at na-suspend din ang account nila.
dothebeats confirm ko lang sayo if yung method na pag-deposit (pagsend) ng Bitcoin to a gambling site is yung rason kung bakit na-suspend yung account mo and hindi sa pag-withdraw (receive) ng Bitcion from a gambling site sa Coins.ph wallet address mo? Kasi nakita ko yung post mo dati yung sinabi mo is dahil nag withdraw ka gamit yung Coins.ph wallet address mo. Just to clarify lang kasi it's really bothering me to think that receiving Bitcoin galing sa address na related sa gambling site ay pwede na ma-suspend yung account mo. Just a heads up to people out there who use the said platform, never try to withdraw bitcoins on gambling sites directly to your coins.ph account.
You say that you only used coins.ph receiving from your graphic services, and it might be one of your clients paid you from a gambling platform or any websites that were mentioned on coins TOS that prohibits the use of coins, without you knowing.
That's why having another wallet is much recommended and should be used for all of your external transactions, and use only your coins.ph account for withdrawal into php.
Nakaka-bahala isipin na if sa pag-receive/widthdraw ng funds from addresses linked sa gambling site pwede ng ma-suspend account mo, kasi if ganito way nila madaming accounts yung pwede ma-ban. What if may nakaka-alam ng Coins.ph wallet address mo and as an act of revenge or gusto ka lang lokohin nag-send sya ng Bitcoin from a gambling site? Diba hindi justifiable yung method ng ganitong pag-suspend ng account dahil technically hindi mo naman control yung mga pumpasok na transaction sayo, wala kang way to cancel it on your part lalong lalo na if di mo naman alam na may transaction ka na paparating.
|
|
|
~snip
Regarding naman dito sa forum, I just use yung filter feature ng adblocker, masyado kaseng sensitive, the whole OP or post div is nawawala pag may keyword na advertisement(s) lalo na pag may image which is na de'detect as ads. Pero so far smooth naman siya now, kita parin yung forum ads and signatures. ~snip Pwede mo i-clarify yung part na ito? Yung Ublock Origin ba is may option na i-on yung "filter" feature nya na mag-allow ng ads sa Bitcointalk habang nag-bloblock ng ads sa ibang websites? Or iba ibig sabihin ng filter feature dito? For example parang may mga list of na websites na blino-block lang nila? Pasensya na medyo hindi ko alam yung extension na ito or baka di ko lang na-abutan yung mga ganitong feature ng mga ad blocker ngayon. ~snip
To be honest most of the time wala naman akong masyadong problema sa mga normal ads na nasa typical websites(unless sobrang flashy tapos may pornographic images). Lumalabas lang ung problema pag nagbukas ka ng mga ibang website na sobrang daming popups. Same no problem with the current situation at hindi ako nag lalagay masyado ng adblockers at naka off din ang firewall ko kasi VPN user ako pero I make sure na hindi ako nag pipindut ng kahit anong unknown links dahil dun talaga nag sisimula ang problema kaya mainam na wag masyadong mag explore at alamin ang website na pinapasukan para sa seguridad natin at so far wala naman akong na encounter na problema. Ako din naman wala ako problema sa pag view ng ads and yung purpose ko dati sa pag-gamit ng ad blocker is dahil nga dun sa mga sketchy websites that shows unfiltered ads of scams gaya ng na-ipost ko dito nung nakaraan na habang nag-babasa lang ako sa isang website na ito may banner ad ang ABS-CBN na peke advertising Bitcoin Revolution, if may ad blocker akong gamit ngayon tiyak ko na hindi ko makikita ito kasi counted itong suspicious link. Pero dahil na nga na hindi ako gumagamit ng ad blocker ngayon kailangan na talaga mag doble ingat sa mga websites na hindi kilala and links na makikita mo lang din sa social media.
|
|
|
|